Tagalog News: DPWH sinimulan na ang pagpapatayo ng P2.3 Cebu North Coastal Road Project
Manila (30 April) -- Sinimulan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagpapatayo ng P2.3 B Cebu North Coastal Road Project (CNCRP) pagkatapos ng groundbreaking rites na pinangunahan ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa Paknaan, Mandaue City sa Cebu kamakailan.
Ang 9.45 kilometrong 4-lane highway project ay isa sa mga pangunahing proyektong pangkaunlaran sa Cebu na naglalayong makapaghikayat ng mas maraming maumuhunan at magbibigay kaunlaran sa lugar.
Ayon sa DPWH, ang nasabing proyekto ay binubuo ng 2 contract package ang 1.39 km proposed Cansaga Bay Bridge at ang pangalawang package ay ang 8.06 km Tayud Underpass at ang pedestrian overpass.
Kaugnay nito, nagpalabas na ang pamahalaan ng P100 M na initial na pondo para sa construction ng nasabing proyekto. (ajph/PIA 12) [top]