Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 4 July 2022 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << July 2022 >> 
S M T W T F S
1 2
3 4 5 6 7 8 9
10 11 12 13 14 15 16
17 18 19 20 21 22 23
24 25 26 27 28 29 30
31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2007/05/08

Tagalog News: Underwater concrete posts inilagay sa Sorsogon Bay

by Bennie Recebido

Sorsogon City (May 8) -- Malaking kapakinabangan ang dala ng paglalagay ng mga konkretong poste sa ilalim ng mga piling lugar sa karagatan ng ilang mga kostales na barangay sa syudad ng Sorsogon.

Pangunahing layunin sa paglalagay ng mga concrete posts na ito na magsilbing artificial coral reefs upang magkaroon ng spawning area ang ilang mga uri ng isda sa Sorsogon Bay. Makatutulong din ito upang makontrol ang patuloy na troll fishing sa karagatang nabanggit.

Ang naturang mga konkretong poste ay may kapal na 4x4 inches at may habang tatlong metro. Ito ay inililibing sa ilalim ng dagat at tanging isang metro lamang ang nakalitaw dito.

Kinumpirma ni Vic Janoras, tagapamuno ng FARMC sa syudad na hindi ito makasisira sa operasyon ng mga legal na mangingisda at yong gumagamit ng mga kagamitang naaayon sa itinatakda ng batas ng BFAR at ng Fishery Code, bagkus ay matutulungan pa ang mga mangingisda sapagkat mas makapagbibigay pa ito ng mga karagdagang huli sa kanila.

Ang mga konkretong poste ay inilagay sa may boundary ng bayan ng Casiguran at Sorsogon City sa may harap ng Brgy. Gimaloto at Peñafrancia sa syudad na ito.

Samantala, sa resulta ng comparative data ng Participatory Coastal Resource Assessment ng City Agriculture Office, ang mga mangingisda ay mayroong average catch sa bawat dalawang oras sa magkaparehong lugar at kagamitang pangisda na umaabot sa 60 kls noong 1940, 40-50 kls noong 1950, 20-30 kls noong 1960, 3-7 kls noong 1990s, habang 0-3 kls naman sa taong 2000.

Ayon kay City Agriculturist Adeline Detera, kung pagbabasehan ang datos, patuloy na bumababa ang bilang ng nahuhuling mga isda. Subalit sa ngayon, kinumpirma nya na nakatulong ng malaki ang inilagay na artificial reef sa Sorsogon Bay, dahil ayon sa mga mangingisda, tumaas ang bilang ng kanilang mga nahuhuling isda dito.

Ayon sa City Agriculture Office, dapat nang mamulat ang mga taga-Sorsogon sa totoong sitwasyon ng Sorsogon Bay at maging tunay na maging responsible sa kanilang mga gawain tulad ng pangingisda, solid waste management at tumulong sa mga paraan upang maiwasan ang patuloy na pagpuputol ng mga puno na nagiging dahilan ng rapid siltation ng mga kabundukan patungo sa mga karagatan. (PIA) [top]

  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagalog News: Underwater concrete posts inilagay sa Sorsogon Bay
»NAPC to build houses for 2 million Filipinos
»Tagalog News: Mauban at San Narciso, nanguna sa clean and green contest sa lalawigan ng Quezon
»900 pasyente, natulungan ng free medical-dental check up ng PCSO at PIA
»Gov't ensures safety of 8 OFWs hostaged in Nigeria
»PGMA to open P1.9-B Bohol port, road links
»Commentary: True will of the people must prevail
»Commentary: PGMA's appeal for truly democratic elections
»Cebuano News: GMA magsubo sa kapin P1.9-B mga obras publikas sa Bohol
»Biliran farmers urged to avail of “plant now pay later” program to augment income
  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines