Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 29 September 2022 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << September 2022 >> 
S M T W T F S
1 2 3
4 5 6 7 8 9 10
11 12 13 14 15 16 17
18 19 20 21 22 23 24
25 26 27 28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2007/05/08

Tagalog News: Mauban at San Narciso, nanguna sa clean and green contest sa lalawigan ng Quezon

by Ruel Orinday

Lucena City (8 May) -- Nakamit ng Pamahalaang bayan ng Mauban ang unang pwesto sa pagpili ng pinakamalinis at luntiang bayan sa lalawigan ng Quezon sa ilalim ng Category-A na binubuo ng mga bayan na kabilang sa 1st to 3rd class municipality.

Ang paligsahan ay tinatawag ngayong "Gawad Punong Lalawigan sa Kapaligiran" at ang pagpili ay pinamahalaan ng Provincial Search Committee for the Cleanest Greenest municipalities. Ang dating tawag sa proyektong ito ay Gawad-Pangulo sa Kapaligiran na isa sa mga programang ipinatutupad ng pamahalaan upang mapanatili ang kalinisan at pagiging luntian ng bayan at lungsod sa lalawigan at ang mga nananalong bayan at lungsod ay binibigyan ng premyo.

Pumangalawa sa Mauban ang bayan ng Tayabas, pangatlong pwesto naman ang Catanauan, pang-apat na pwesto ang Lucban at pang-limang pwesto naman ang Calauag, Quezon.

Samantala, sa ilalim ng Category-B (4th to 6th class municipality), nanguna ang bayan ng San Narciso, pumangalawa ang Alabat, Quezon, pangatlong pwesto ang Guinayangan, Quezon, pang-apat na pwesto ang San Francisco at pang-limang pwesto ang Jomalig, Quezon.

Ang bayan ng Mauban ay tumanggap din ng parangal sa kategoryang Best Solid Waste Management Practice- Solid Waste with Management Component, Best Municipal Nursery at Best Elementary School. Ang bayan ng Catanauan at Tayabas, Quezon ay tumanggap din ng parangal sa kategoryang Best Municipal Nursery.

Nakamit naman ng pamahalaang bayan ng Real ang pagiging Best Rural Health Center. Ang iba pang bayan na tumanggap ng parangal ay ang San Francisco, Quezon- Best Slaughter House; Perez, Quezon - Best High School at ang Magsaysay Day Care Center sa Unisan, Quezon bilang Best Day Care Center.

Ang pagpili ng pinakamalinis at luntiang bayan sa lalawigan ng Quezon ay isang programa ng pamahalang panlalawigan ng Quezon na ginawa sa pamamagitan ng Quezon Provincial Search Committee for the cleanest and greenest municipalities kung saan ang mga miyembro nito ay mula din sa iba't-ibang tanggapan ng pamahalaan. (PIA- Quezon) (PIA) [top]

  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagalog News: Underwater concrete posts inilagay sa Sorsogon Bay
»NAPC to build houses for 2 million Filipinos
»Tagalog News: Mauban at San Narciso, nanguna sa clean and green contest sa lalawigan ng Quezon
»900 pasyente, natulungan ng free medical-dental check up ng PCSO at PIA
»Gov't ensures safety of 8 OFWs hostaged in Nigeria
»PGMA to open P1.9-B Bohol port, road links
»Commentary: True will of the people must prevail
»Commentary: PGMA's appeal for truly democratic elections
»Cebuano News: GMA magsubo sa kapin P1.9-B mga obras publikas sa Bohol
»Biliran farmers urged to avail of “plant now pay later” program to augment income
  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines