Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 11 August 2022 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << August 2022 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6
7 8 9 10 11 12 13
14 15 16 17 18 19 20
21 22 23 24 25 26 27
28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2007/05/08

900 pasyente, natulungan ng free medical-dental check up ng PCSO at PIA

by R. Orinday

Lucena City (8 May) -- Umabot sa 900 katao na pawang naninirahan sa lungsod na ito ang natulungan ng proyektong free medical and dental check up na isinagawa ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at ng Philippine Information Agency (PIA) sa pakikiisa ng pamahalaang panglungsod ng Lucena sa pangunguna ni Mayor Ramon Y. Talaga, Jr. noong Abril 30, 2007 sa lungsod na ito.

Ang free medical ang dental check ay ginawa sa Punzalan Gymanasium kung saan karamihan sa mga pasyente ay tumanggap din ng libreng gamot na dala ng PCSO. Ito ay unang bahagi ng "Walang Kupas Roadshow" at ang pangalawang bahagi naman ay ang free concert na ginanap naman sa Pacific Mall ground at tampok dito ang mga palaro o Lotto Draw Games gayundin ang Mirahel Band at ang "Gear-up" dancers.

Ayon sa PCSO, isa sa nilalayon nito na maipabatid sa mga tao lalo lalo na sa mga tumataya sa lotto na maipabatid ang mga serbisyo at iba pang produkto ng PCSO. Nais ding ipabatid ng PCSO na sa sampung pisong taya ng isang tao sa lotto, ang tatlong piso o tatlong porsyento ay direktang napupunta sa charity samantalang ang ibang bahagi ay sa premyo sa mga taong mananalo at sa operasyon ng lotto.

Ayon pa sa PCSO, may 123,000 tao na ang kanilang natulungan mula Enero hanggang Pebrero 2007. Inaasahang marami pang tao ang kanilang matutulungan kagaya ng mga taong may sakit dahilan sa patuloy na pagtangkilik ng mga tao sa mga produkto ng PCSO. (PIA Quezon) [top]

  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagalog News: Underwater concrete posts inilagay sa Sorsogon Bay
»NAPC to build houses for 2 million Filipinos
»Tagalog News: Mauban at San Narciso, nanguna sa clean and green contest sa lalawigan ng Quezon
»900 pasyente, natulungan ng free medical-dental check up ng PCSO at PIA
»Gov't ensures safety of 8 OFWs hostaged in Nigeria
»PGMA to open P1.9-B Bohol port, road links
»Commentary: True will of the people must prevail
»Commentary: PGMA's appeal for truly democratic elections
»Cebuano News: GMA magsubo sa kapin P1.9-B mga obras publikas sa Bohol
»Biliran farmers urged to avail of “plant now pay later” program to augment income
  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines