Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Friday, 9 December 2022 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << December 2022 >> 
S M T W T F S
1 2 3
4 5 6 7 8 9 10
11 12 13 14 15 16 17
18 19 20 21 22 23 24
25 26 27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2007/06/22

Komentaryo: Muling nanawagan ang pamahalaan sa NPAs

by Rose B. Palacio

Davao City (22 June) -- Muling nanawagan ang gobyerno sa New People’s Army (NPAs) na sumurender at mamuhay ng normal kasama ang kanilang mga mahal sa buhay.

Ayon kay PNP XI Director Andres Caro 11, patuloy na magtatago sa kabundukan ang mga kumakalaban sa gobyerno at nakapanghihinayang na apektado ang kanilang pamilya, lalo na ang kanilang mga anak na hindi mabibigyan ng sapat na edukasyon dahil sila’y hinahabol ng pamahalaan.

Sa sandaling sila’y sumuko, normal ang magiging buhay nila sa lipunan at mabibigyan pa ng sapat na edukasyon ang kanilang mga anak. Hindi na sila patuloy na magtatago at laging takot na baka mahuli o dili kaya’y maapektuhan ang kanilang pamilya sa sandaling may mga enkuentro o military operations sa kabundukan, aniya.

Patuloy na bukas ang gobyerno at handang tanggapin ang mga NPAs na handang makiisa sa gobyerno at mamuhay ng tahimik sa ating bansa.

Isipin natin ang kapakanan ng ating pamilya, lalo na ng mga bata na mahihirapan sa patuloy na pagtatago dahil sa sila’y pinaghahanap o wanted ng pamahalaan, kanyang dagdag.


Kampanya laban sa droga, palalawakan sa mga paaralan

Sinabi ni PDEA acting chief Jessie Estrada na palalawakin ng PDEA ang kanilang kampanya, hindi lamang sa mga barangay kundi sa mga paaralan sapagka’t kadalasan sa mga drug pushers ay mga kabataan ang inaasinta lalo na sa mga mababang paaralan.

Sinabi naman ni Schools Superintendent Gloria Labor na mahigpit ang kampanya ng kanilang paaralan sa pakikipagtulungan ng PDEA at ng lokal na pamahalaan sapagka’t mismong si Mayor Rodrigo R. Duterte ang hindi papayag na malulong sa droga ang mga estudyante.

Sa ngayon, mga lectures at discussions ang ginagawa ng PDEA sa mga paaralan tungkol sa mga masasamang epekto ng droga upang lubos na maunawaan ng mga mag-aaral ang mangyayari sa sandaling malulong sa droga ang mga estudyante. Tiyak na hindi lamang maaapektuhan ang kanilang pag-aaral kundi wawasakin ng droga ang kanilang mga kinabukasan, ani Estrada. (PIA) [top]

  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Komentaryo: Muling nanawagan ang pamahalaan sa NPAs
»DOE steps up campaign for biofuel
»Power supply in Camotes Island receives boost
»CyberEd to boost quality education for all
»Waray-Waray News: Pagpili han "Model OFW Family" iginlunsad na
»PGMA lauds rural banks for helping deliver economic benefits to people
»PGMA underscores need for more investments
»Deutsche Bank will be in RP for a long haul - DOF
»PGMA administers oath to newly-elected Eastern Samar and Lapu-Lapu City officials
»Never been a better time to invest in RP than now - PGMA
  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines