Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 29 September 2022 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << September 2022 >> 
S M T W T F S
1 2 3
4 5 6 7 8 9 10
11 12 13 14 15 16 17
18 19 20 21 22 23 24
25 26 27 28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2007/07/16

Tagalog News: Hero's welcome sa 14 Marino pinangunahan ni PMA

Manila (16 July) -- Pinangunahan ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang pagbibigay ng "hero's welcome" sa labing-apat na Philippine Marines 1st Marine Brigade na namatay sa isang ambush sa Tipo-Tipo Basilan na ginanap sa Villamor Air Base sa Pasay City.

Ang mga napaslang na marino ay kinilalang sina Staff Sergeants Noel Bautista at Bernard Abes, Sergeants Rey Callueng, Gerardo Licup, Cayetano Simbajon at sina Private First Class officers Russel Panaga, Freddie Palma, Elizar Semeniano, Reuben Doronio Jr., Jhonard Alienza, Arjorin Eleazar, Emmanuel Beup, Emilio Lachica at Wilfredo Lamban.

Inihayag naman ni Philippine Marines spokesman Ariel Caculitan na ang pamilya ng mga nasawing marino ay makakatanggap ng isang-daang libong tulong pinansiyal mula sa Pangulo, labing-limang libong burial assistance mula sa Philippine Navy, limampung-libo mula sa Philippine Marines Mutual Special Financial Assistance, anim na buwang basic pay sa cash benefits, scholarships mula sa Marines Educational Benefits System Office, habang-buhay na pension sa kanilang pamilya at limang-libong tulong pinansiyal mula sa Philippine Veterans Affairs Office.

Ang Pangulo naman ay nagbigay ng on-the-spot promotion sa mga nasawing marino.


Pumaslang sa 14 Marino nahaharap sa iba't-ibang kaso

Inihayag ni Philippine Marines spokesman Ariel Caculitan na maliban sa isinampang kaso ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na multiple murder, magsasampa din ang AFP ng reklamo batay sa Commission on Human Rights laban sa mga salarin sa pagpatay sa labing-apat na marino.

Ayon naman kay AFP spokesman Col. Bartolome Bacarro ang AFP ay naghahanda na ng protesta sa Committee on Ceasefire and the Cessation of Hostilities (CCCH) laban sa MILF 114th Western Mindanao Front na pinammunuan ni commander Suhud Limaya alyas Hud sa paglabag ng ceasefire agreement sa pagitan ng pamahalaan at MILF peace pannel.

Ang mga pinaslang na marino ay pauwi na sana sa kanilang kampo galing sa paghahanap ng dinukot na Italyanong pari na si Fr. Giancarlo Bossi ng inatake ang mga ito ng isang grupo ng armadong kalalakihan sa kabundukan ng Tipo-Tipo Basilan noong Martes ika-10 ng Hulyo.


Pagpatay bibigyang hustisya

Binigyang diin ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na hindi hahayaan ng gobyerno ang mga taong sangkot sa pagpatay sa labing-apat na marino na magtago sa ilalim ng negosasyong magkaroon ng permanenteng kapayapaan sa Mindanao.

Ayon pa sa Pangulo, ang mga salarin sa pagpaslang sa mga marino kamakailan sa Basilan ay kinakailangang maparusahan ayon sa batas upang magkaroon ng hustisya ang pagkamatay ng mga biktima.

Ipinag-utos na ng Pangulo sa Armed Forces of the Philippines ang masusing paghahanap at pag-aresto sa mga salarin upang mapatawan ng tamang kaparusahan sa kanilang ginawang pagpaslang. (Lgtomas/PIA 12) [top]

  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»P1.2M released for NIA's priority projects
»Capiz expects 115,655 MT of palay
»'ABC' of peace education now in Capiz
»Tagalog News: Hero's welcome sa 14 Marino pinangunahan ni PMA
»Tagalog News: Pangunahing paksa sa nalalapit na SONA ng Pangulo
»Tagalog News: Mutya ng South Cotabato 2007 gaganapin, security measures pina-iigting
»Tagalog News: Lending assistance ng DBP patuloy
»Tagalog News: Karapatang pantao at kalayaan mapro-protektahan - Bunye
»Tagalog News: Foreign portfolio investments tumaas noong Hunyo
»Tagalog News: 27 bansa dadalo sa ASEAN Ministerial Meeting
  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines