Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 29 September 2022 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << September 2022 >> 
S M T W T F S
1 2 3
4 5 6 7 8 9 10
11 12 13 14 15 16 17
18 19 20 21 22 23 24
25 26 27 28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2007/07/16

Tagalog News: Lending assistance ng DBP patuloy

Manila (16 July) -- Siniguro ng Development Bank of the Philippines (DBP) na patuloy ang retail at wholesale lending programs nito sa mga small and medium enterprises (SME) kabilang ang Mekeni Food Corporation at ang Red Dragon Farm. Ito'y dahil sa malaking tulong lalo na sa kita at market share ng mga nasabing SME.

Ang Mekeni Food Corporation ay producer ng mga pinoy favorites kabilang ang "tocino" at "hotdog", habang ang Red Farm Dragon ay supplier at grower ng mga manok sa bansa.

Ayon kay Mekeni Food Corporation President Prudencio Garcia, dahil sa P100-million lending assistance ng DBP, nagkaroon ng mga bagong pasilidad ang kompanya na nakatulong sa pagpapabuti ng operasyon.

Simula noong 2004 hanggang 2006, pinarangalan ang Mekeni bilang Best AAA Meat Establishment Award. Noong 2006, nakuha rin nito ang ISO Certification for Food Safety Management for Hotdog Processing Requirements mula sa isang Germany-based technical monitoring association.

Samantala, ayon naman kay Red Dragon Farm owner Robert Lo, ang P70-million financial assistance ng DBP ay nagbunsod ng pagkakaroon ng Cool Cell System ng kompanya na tumutulong sa pag control ng temperatura ng mga hayop na nagpapabuti sa produksiyon nito.

Kasalukuyan, ang dalawang kompanya ay nakatulong din sa bansa lalo na sa pagbibigay trabaho sa mga Pilipino. (ajph/PIA 12) [top]

  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»P1.2M released for NIA's priority projects
»Capiz expects 115,655 MT of palay
»'ABC' of peace education now in Capiz
»Tagalog News: Hero's welcome sa 14 Marino pinangunahan ni PMA
»Tagalog News: Pangunahing paksa sa nalalapit na SONA ng Pangulo
»Tagalog News: Mutya ng South Cotabato 2007 gaganapin, security measures pina-iigting
»Tagalog News: Lending assistance ng DBP patuloy
»Tagalog News: Karapatang pantao at kalayaan mapro-protektahan - Bunye
»Tagalog News: Foreign portfolio investments tumaas noong Hunyo
»Tagalog News: 27 bansa dadalo sa ASEAN Ministerial Meeting
  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines