Tagalog News: 27 bansa dadalo sa ASEAN Ministerial Meeting
Manila (16 July) -- Iniulat ng Department of Foreign Affairs (DFA) na dalawampu't pitong (27) mga bansa ang dadalo sa nalalapit na 40th ASEAN Ministerial Meeting (AMM), Post Ministerial Conferences (PMCs), at 14th ASEAN Regular Forum (ARF) na gaganapin sa Philippine International Convention Center sa Pasay City simula sa July 29 hanggang Aug. 2, 2007 na may temang "One Caring and Sharing Community".
Ayon pa kay DFA Assistant Secretary for ASEAN Affairs Luis Cruz tatalakayin sa nasabing pagpupulong ang tungkol sa kalagayan ng ASEAN Community building efforts at upang e-assess ang pagpapa-unlad sa implementasyon ng three pillars of ASEAN tulad ng security community, economic community at socio-cultural community.
Kabilang sa sampung (10) mga bansang miyembro ng ASEAN ang Brunei Darussalam, Cambodia, Indonesia, Lao People's Democratic Republic, Malaysia, Myanmar, Pilipinas, Singapore, Thailand at Vietnam. (Abb/PIA 12) [top]