Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Sunday, 14 August 2022 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << August 2022 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6
7 8 9 10 11 12 13
14 15 16 17 18 19 20
21 22 23 24 25 26 27
28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2007/11/19

Tagalog News: Mga ARB nagpasalamat sa DAR

by Benilda A. Recebido

Sorsogon Province (19 November) -- Malaki ang naging pasasalamat ng mga Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) sa Department of Agrarian Reform at sa partner organization nito, ang Lingap Para sa Kalusugan ng Sambayanan o LIKAS, isang non-government organization, sa pagbibigay sa kanila ng oportunidad na matutunan ang mga bago at mahahalagang kaalaman na maaari nilang magamit sa kanilang pangkabuhayan.

Nito lamang nakaraang linggo, isinagawa sa Irosin sa pamamagitan ng DAR-LIKAS partnership ang dalawang araw na Farm Planning Workshop on Re-Planting and Intercropping para sa mga coco-farmers sa munisipyo ng Juban.

Ayon kay Provincial Agrarian Reform Officer Roseller R. Olayres, maswerte ang probinsya ng Sorsogon sa pagkakaroon ng mga kaniyugan upang mapili ng DAR para sa implementasyon ng ARBs Entrepreneurship Development - Social Infrastructure Capability Development o ARED-SICAD, isang espesyal na proyekto ng DAR na may layuning maturuan ang mga ARBs sa pagnenegosyo.

Sinabi ni Olayres na nagbibigay din ang proyektong ito ng ideya sa mga magkokopra kung ano ang iba pang mga produktong galing sa niyog na maaaring makuha o magawa, maliban sa niyog, para sa dagdag nilang pagkakakitaan.

Sa ilalim ng proyektong ito, tuturuan ang mga ARBs ng intercropping o ang pagtatanim ng iba pang uri ng mga pananim upang mapakinabangan ang mga lupang maaari pang pagtamnan sa pagitan ng mga puno ng niyog. Kabilang din dito ang pagpapatubo ng mga kabute o "mushroom" at ang tamang pagpoproseso nito upang maging "dried mushroom" na maaari nilang maipagbili sa palengke. Tinuruan din sila ng tamang paggamit ng lupa upang walang espasyong masasayang.

Ang nasabing aktibidad ay nilahukan ng dalawampu't-pitong ARBs mula sa munisipyo ng Juban. Nagpapatuloy naman ang kahalintulad na aktibidad ng ARED-SICAD sa iba pang munisipyo ng probinsya ng Sorsogon tulad ng Irosin at Bulusan.

Sa kasalukuyan nasa 806 na ARBs sa buong lalawigan ang nabibiyayaan ng programa ng ARED-SICAD kung saan 92 dito ay mula sa Bulusan, 294 sa Irosin at 420 naman sa munisipyo ng Juban.

Sinabi ni Olayres na inaasahan ng DAR na isasabuhay ng mga ARBs ang kanilang mga natutunan at mga matututunan pa. (PIA) [top]

  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»AgSur Child-Minding Center construction finished
»52 Rotarians, spouses attend Rotary Academy
»JICA-Saporo welcomes RP delegates to 2007 Training Programme for Young Leaders
»JICA delegates to 2007 Training Programme for Young Leaders present country report
»Pagasa recommends suspension of classes in Cebu's mountain barangays amid heavy rains
»Negros wildlife at risk due to human greed
»Ilocano News: PGMA nagibunong tseke a pagnegosio kalpasan pammadayaw kadagiti naballigi a negosiante
»Ilocano News: Ti sobra a politika, saan a maragpat ti panagrang-ay pagilian
»Tagalog News: Pagtatayo ng Sorsogon community center inaprubahan
»Tagalog News: Mga ARB nagpasalamat sa DAR
  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines