Tagalog News: Pagpapanatili ng pangangalaga at pagkonserba sa Coral Triangle
Manila (18 December) -- Ipinag-utos ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa pamunuan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na makipagtulungan sa mga bansang Indonesia, Malaysia, Papua New Guinea, Timor Leste, at Solomon Islands upang maseguro ang pagpapanatili ng pangangalaga at pagkonserba sa Coral Triangle, isang rich marine area na nag-uugnay sa limang mga bansa kasama ang Solomon Islands.
Ayon sa Pangulo, ang pakipagpulong ni DENR Secretary Lito Atienza kay Indonesian President Susilo Bambang Yudhoyono ay magbibigay ng malaking pagkakataon para sa Pilipinas at Indonesia na mapag-usapan ang mga mahahalagang hakbang na makakatulong upang mapangalagaan ang marine area
Ang Coral Triangle ay hindi lamang umano sentro ng marine biological diversity kung saan malaki din ang naitutulong ng likas na yaman nito sa mahigit 120 million na mamamayang nakatira sa nabanggit na lugar lalo na sa pagbibigay ng hanapbuhay, food at security sa milyun-milyung mamamayan sa buong mundo. (Abb/PIA 12) [top]