Tagalog News: Hunger mitigation program ng pamahalaan
Manila (18 December) -- Binigyang diin ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang kahalagahan ng pagpapalawak ng hunger mitigation program ng pamahalaan lalo na ang Early Childhood Care and Development System (ECCD) sa pamamagitan ng pagsasagawa ng nutrition services programs na tutugon sa pangangailangan ng mga young children mula pagkabata hanggang sa ika-anim na taong gulang.
Layunin ng nasabing programa na maabot ang hangaring mapa-unlad ang infant at child survival rates ng bansa at maseguro na maipaabot sa mga mamamayan ang mga programang pangkalusugan at nutrisyon lalong-lalo na sa mga sanggol at sa kanilang ina mula pre-natal period hanggang childhood years ng mga ito.
Kaugnay nito, itinataguyod din ng Pangulo ang breastfeeding o pagpapasuso sa mga sanggol hanggang dalawang taong gulang at ang pagkain ng mga gulay bilang pinakamabuting paraan upang masugpo ang kahirapan at pagkagutom sa bansa. (Abb/PIA 12) [top]