Tagalog News: Region 12 RDCC meeting pinangunahan ni PGMA
Koronadal City (22 July) -- Pinangunahan ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang Regional Disaster Coordinating Council (RDCC) meeting sa Kalsangi Clubhouse of the Del Monte Philippines Corporation sa Polomolok, South Cotabato ngayong araw (July 21) upang personal na suriin ang kasalukuyang relief at rehabilitation efforts na isinasagawa ng rehiyon dose, isa sa mga lalawigang lubos na naapektuhan ng bagyong Frank ng nakaraang buwan.
Kabilang sa mga sumalubong sa Pangulo ay sina South Cotabato Gov. Daisy Fuentes, Mindanao Economic Development Council (MEdCO) Chairman Virgilio Leyretana, Dole Philippines Vice President Kevin Davis, Polomolok Mayor Isidro Lumayag, at RDCC-12 Chairman Supt. Felizardo Serapio Jr.
Iniulat ni Serapio sa Pangulo ang kasalukuyang pagsasagawa ng relief distribution at rehabilitation plan ng rehiyon dose para sa lalawigan ng South Cotabato, North Cotabato, Sultan Kudarat, Sarangani at mga siyudad ng Koronadal, Tacurong, General Santos, Kidapawam at Cotabato.
Ayon kay Serapio, patuloy parin ang pamamahagi ng relief goods sa mga biktima ng bagyo. Nanawagan din itong madaliin ang dredging at pagsasaayos ng Liguasan Marsh upang mapabilis ang pagtuyo ng tubig baha lalo na sa Cotabato area. (Lgtomas/PIA 12) [top]