Tagalog News: Pagpapaliban ng ARMM elections nasa Kongreso - Malakanyang
Manila (22 July) -- Ipinahayag ng Malakanyang na ang hiling ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na ipagpaliban ang nakatakdang August 11, 2008 Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) elections ay nakasalalay sa desisyon ng Kongreso.
Ayon kay Executive Secretary Eduardo Ermita, ang Kongreso lamang ang makakapagpasa ng batas o resulosyon na ipagpaliban ang nasabing halalan dahil ang August 11 ARMM elections umano ay itinakda sa pamamagitan ng Republic Act 9333.
Ayon pa rin kay Ermita, kahit na gahol na sa oras ay pagsisikapan pa rin ng pamahalaan na matalakay at mabigyan ng pansin ang hiling ng MILF na ipagpaliban na muna ang nakatakdang ARMM elections sa darating na Agosto. (Abbenal/PIA 12) [top]