Tagalog News: PGMA bibisita sa Makilala sa North Cotabato
Koronadal City (22 July) -- Nakatakdang bibisitahin ng Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang bayan ng Makilala sa North Cotabato upang personal na tingnan kung papaano mapaunlad ng pamahalaan ang pamumuhay ng mga residente sa pamamagitan ng rubber industry.
Ayon kay North Cotabato Gov. Jesus N. Sacdalan, ang bayan ng Makilala ay mayroong 7,000-8,000 ektarya na taniman ng rubber sa buong probinsiya at ang lalawigan ng Cotabato ay mayroon ng rubber tress na itinamin sa may total area na 23,432 ektarya.
Dagdag pa ni Sacdalan na ang pamahalaan panlalagiwagan ay nangangailangan ng madaliang tulong mula sa pamahalaang Arroyo upang mapa-igting upang mapa-unlad ang mga pasilidad at teknolohiya sa rubber industry.
Binigyang diin ni Sacdalan na ang pagpapa-unlad ng teknolohiya at iba pang mga pasilidad sa rubber industry ay inaasahang bibigay ng magandang pamumuhay sa mga residente ng North Cotabato at magbibigay din ng karagdagang kita sa pamahalaan. (KAlbay/PIA 12) [top]