Tagalog News: PGMA namahagi ng livelihood assistance packages
Manila (22 July) -- Binisita ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang Hagonoy, Bulacan kamakailan upang mamahagi ng livelihood assistance packages sa mga Bulakeņos na naapektuhan ang kabuhayan at ilang ari-arian bunsod ng pagsalanta ng bagyong Frank sa bansa ng nakaraang buwan.
Ipinag-utos din ng Pangulo ang patuloy na pagsuporta sa mga naging biktima ng bagyo sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga subsidies upang mapababa ang epektong dulot ng bagyo sa mga mamamayan lalo na sa mga mahihirap na lalawigan bilang bahagi ng polisiya nitong magbigay ng tulong sa mga mahihirap na Pilipinong apektado ng kalamidad.
Isang medical mission din ang isinagawa sa tatlong libong (3,000) residente ng Hagonoy at kalapit lugar nito sa pakikipagtulungan ng Department of Health (DOH), Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Philippine Gaming Corporation (Pagcor) People's Government Mobile Action (PGMA) Caravan na nagbigay ng serbisyong medikal at dental.
Pinangunahan naman ng Pangulo ang pamamahagi ng cheke at certificates sa iba't-ibang beneficiary sa nabanggit na bayan. (Lgtomas/PIA 12) [top]