Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Friday, 1 July 2022 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << July 2022 >> 
S M T W T F S
1 2
3 4 5 6 7 8 9
10 11 12 13 14 15 16
17 18 19 20 21 22 23
24 25 26 27 28 29 30
31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2008/07/22

Tagalog News: PGMA pangungunahan ang pamamahagi ng Katas ng EVAT sa ARMM

Manila (22 July) -- Pangungunahan bukas ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang pamamahagi ng karagdagang Katas ng EVAT (expanded value added tax) at iba pang benipisyo bunga ng malagong ekonomiya ng bansa sa mahihirap na residente ng Shariff Kabunsuan pati na rin sa mga biktima ng bagyong Frank sa Cotabato City.

Nakatakda ring bisitahin ng Pangulo ang pasilidad ng Datu Odin Sinsuat Municipal Hospital, ang 10-bed capacity hospital na napabilang sa mga primary hospital na nakatakdang i-upgrade upang maging ganap na secondary hospital sa pamamagitan ng Katas ng EVAT.

Ihahayag din ng pangulo ang pagpapalabas ng dalawang milyong piso mula sa apat na milyong pisong alokasyon para sa pag-upgrade ng nasabing municipal hospital ng sa ganun ay mas mapalawak pa ang pagbibigay ng healthcare services lalo na sa mahihirap na pamilya sa lugar.

Napag-alaman na tanging ang Datu Odin Sinsuat Municipal Hospital lamang ang ospital sa lugar na nagbibigay serbisyo sa limang bayan ng Shariff kabunsuan na may kabuuang populasyon na 200,000 katao kung saan mamahagi din ang Pangulo ng dalawampung (20) karton ng assorted medicines na nagkakahalaga ng P100,000. (Abbenal/PIA 12) [top]

  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagalog News: DSWD nagsisimula sa rehabilitation project
»Tagalog News: Region 12 RDCC meeting pinangunahan ni PGMA
»Tagalog News: Roque itinalaga bilang DOLE Secretary
»Tagalog News: Land conversion applications sinuspende ni PGMA
»Tagalog News: Pagpapaliban ng ARMM elections nasa Kongreso - Malakanyang
»Tagalog News: Pangulo tiwalang malalampasan ang krisis na kinakaharap ng bansa
»Tagalog News: PGMA bibisita sa Makilala sa North Cotabato
»Tagalog News: PGMA bibisitahin ang jatropha plantation sa SocSKSarGen Region
»Tagalog News: PGMA namahagi ng livelihood assistance packages
»Tagalog News: PGMA pangungunahan ang pamamahagi ng Katas ng EVAT sa ARMM
  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines