Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 11 August 2022 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << August 2022 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6
7 8 9 10 11 12 13
14 15 16 17 18 19 20
21 22 23 24 25 26 27
28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2008/07/23

Speech of President Gloria Macapagal-Arroyo

Odin, Sinsuat, July 22, 2008

Maraming salamat, Secretary Nasser Pangandaman, ang ating CORD dito sa Autonomous Region of Muslim Mindanao. Ating iba't ibang mga Cabinet members na narito. ARMM Governor Datu Zaldy Ampatuan, maraming salamat sa iyong words of welcome and support.

Congressman Dilangalen and Mrs. Dilangalen, maraming salamat din sa inyong pagdalo dito sa programa na ilulunsad natin ngayon mula sa national government. Mayor Sinsuat ng Datu Odin Sinsuat, iba't ibang mga government officials ng national governments, pati na rin ng Autonomous Region of Muslim Mindanao, mga taga ospital ng Datu Odin Sinsuat, mga kaibigan…

Noong Hunyo, nagpalabas tayo ng P4 billion mula sa koleksiyon ng Value Added Tax sa langis. Dalawang bilyon para pambayad ng kuryente ng apat na milyong mahihirap. Siguro, Nasser, i-check mo kung mayroon ng tumatanggap dito sa tsekeng iyon o iyong credit nila. Ito iyong mga bumibili ng less than one hundred kilowatts of power a month. Isang bilyon bilang college scholarship o pautang sa 70,000 na estudyanteng maralita. Iyon din sana, Nasser, i-check mo kung mayroong mga tagarito na nakakatanggap nitong scholarship na ipauutang.

Kalahating bilyon pautang upang palitan ng mga mas matipid na LPG-CNG o biofuel ang motor ng libu-libong sasakyang publiko. I-tsek mo rin iyon ha? At kalahating bilyong pagkabit ng fluorescent sa mga kalsada, opisina ng pamalahaan, mga ospital at iba pang pampublikong lugar. Kasi kung mapapalitan ng fluorescent ang lahat ng bombilya sa Pilipinas, makakatipid tayo ng lampas P2 billion. Kaya importante iyon. Kasunod naman ng katas ng VAT, may karagdagang P1 billion na pambayad ng kuryente ng mahihirap. Kalahating bilyon para sa matatandang hindi sakop ng GSIS o SSS, at kalahating bilyong capital para sa maybahay at kapamilya ng mga namamasadang tsuper at konduktor, at kalahating bilyon upang mapataas ang kakayahan at kasangkapan ng mga munting ospital sa lalawigan.

Kaya ngayon, naglulunsad tayo itong programang ito, kalahating bilyong pisong programa upang dagdagan ang kasangkapan at kakayahan ng mga primary care hospital para maging secondary care hospital na makakagawa na mga simpleng operasyon, pati pagpapaanak ng Caesarean. Ito ay galing sa pondo na nakolekta ng VAT mula Abril hanggang Hunyo. Kaya dito sa Datu Odin Sinsuat, pinili natin na ilunsad ang programa dahil inuuna natin ang mga lugar kung saan mas marami ang mahihirap na pinakanangangailangan ng kalinga. Kabilang ang inyong lalawigan sa ating priority provinces upang pag-ukulan ng higit na serbisyong mabawasan ang kahirapan. Sa ating pagtataas ng kakayahan ng inyong pagamutan, namumuhunan tayo sa inyong mga mamamayan.

Kaya para dito sa Odin Sinsuat Hospital, aayusin itong gusali, aayusin iyong bakod, kasi iyong bakod ninyo, eh, wire, chicken wire. Okay. Barbed wire, hindi naman chicken wire. In fact, kung chicken wire, maganda iyon. Sa Marikina, mga chicken wire ang kanilang mga bakod para see-through at magbibigay ng X-ray. Wala raw kayong X-ray? (Voice: Wala po) Laboratory diagnosis equipment, operating room, mga instrumento, ayun ang ating ibibigay para sa inyo. Kaya ang tseke, ibibigay natin sa inyong regional secretary ng Health ng Autonomous Region of Muslim Mindanao. Paki-witness nga, ARMM Governor Ampatuan and Congressman Dilangalen.

The sad irony of Mindanao as food basket is that Mindanao, aside from being a food basket, also has the highest hunger and malnutrition.

Salamat na lamang sa nakaraang mga buwan, bumaba ang kagutuman sa Mindanao. After all, Mindanao has the largest field of high productivity, but Mindanao also has six or seven of the 10 poorest provinces in our country.

One of the reasons they give for this unfortunate fact is that the endless conflict has affected Mindanao for so many years. For decades, a comprehensive peace has eluded us, but I am proud the talks will soon resume, and we are on the threshold of peace. If we can truly move from arms to farms in Mindanao, we can give the gift of peace and prosperity to Mindanao and to the whole country. Kaya inaasahan ko ang tulong ninyong lahat para sa kapayapaan at tagumpay ng ating peace talks.

Naging malaki rin ang epekto ng typhoon Frank upang hilahing pababa ang pamumuhay dito sa ARMM at sa mga katabing probinsya. Kami nga ni Governor Sacdalan, nanggaling sa Makilala, palipad dito at nakita namin iyong bahang-bahang lugar. Kaya para sa kalamidad, maglalagay tayo ng angkop na halaga.

Climate change is a key factor in increasing frequency and intensity of typhoon. Over the last 36 years, it cost the country 0.5 percent of the GDP. Our disaster management consists of mitigation, preparation, response and rehabilitation. At para asikasuhin itong apat na pangangailangan ukol sa kalamidad, dito mamaya pagkatapos nitong affair natin, magpupulong ang Cabinet at ang Disaster Coordinating Council ng ARMM upang pabilisin ang pagkilos para sa pag-ahon nitong rehiyon mula sa kalamidad.

The dramatic surge in the price of fuel and food has created a global price crisis unseen since the Great Depression and the wake of World War II. The economic uncertainty moved like a mighty tsunami around the globe affecting every nation, rich and poor. We must continue to build and buttress bridges to neighbors, and strengthen ties with allies around the world to bring in the rice we need to feed our people.

Kanina, nagtanung-tanong ako - dahil kahapon pa ako dito sa Mindanao - kung magkano na iyong bigas sa Mindananao, iyong commercial na karaniwan, doon sa General Santos. Sabi ni Mayor Jun Acharon, P32 to P35. Aba, maganda iyong presyong iyon, eh si Governor Sacdalan sa North Cotabato, sabi mo, Governor, P26, ang ganda-ganda ng presyo. Dito yata sa banda rito sa ARMM ay medyo mataas pa, pero kung naaayos na sa ibang lugar, we can say that we have the world food crisis well in hand for now. We have done this with our farming program combined with more vigilance over prices, and greater sovereignty against price manipulation under the leadership of our rice czar, Arty Yap, na mamaya kasama natin yata doon sa ating Cabinet meeting.

Pero itong umagang ito, sa araw ng panglunsad ng katas ng VAT para sa mga maliliit na ospital, binabati ko ang mga taga-Odin Sinsuat, kayong lahat, doon sa pagkakaroon ninyo ng pinalalaki at pinalalakas na ospital. Hindi kayo pababayaan ng pamahalaan, ngunit kailangan rin ng pamahalaan ang inyong patuloy na pagsusuporta na gaya ng sabi naman ni Zaldy sa kanyang diskurso, lagi naman ninyong binibigay sa mga programang pagtulong at pag-ahon ng buong bansa mula sa kahirapan. Kaya sa inyong lahat, congratulations! At (inaudible) sana, sunod-sunod pa itong mga ospital na maliliit na bibigyan ng kakayahan ng gamit para gumawa ng mga simpleng operasyon. Sa inyong lahat, congratulations sa Datu Odin Sinsuat Hospital! (PIA-MMIO) [top]

  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»PGMA stumbles upon promising rubber farming industry as she visits North Cotabato
»PGMA orders creation of task force on flood control in Mindanao Basin
»Speech of President Gloria Macapagal-Arroyo
»Commentary: Public information a critical sector
»Sustainable dev't to be incorporated in public school curriculum
»TransCo Mindanao O&M Group bags IMS certification
»Visayas leg of RP Olympic Fest opens in Dumaguete
»Mass blood donation to Surigaonons set July 24
»Cebuano News: Bag-ong barangay hall giinagurahan
»Caraga execs play vital role in police reform program
  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines