Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 20 February 2020 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << February 2020 >> 
S M T W T F S
1
2 3 4 5 6 7 8
9 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2008/08/27

Tagalog News: Gobernador at mga mayor nagpahayag ng pagkakaisa sa pagpapa-unlad ng Oriental Mindoro

Calapan, Oriental Mindoro (27 August) -- Magkakatuwang sina Gobernador Arnan C. Panaligan at mga punumbayan sa pagsusulong ng progreso ng Oriental Mindoro.

Ito ang nagkakaisang pahayag ng Gobernador at ng Legaue of Municipalities-Oriental Mindoro chapter sa pinakahuling pagpupulong ng liga sa syudad ng Calapan noong Agosto 5.

Ang pagpupulong na pinangunahan ni LMP President at Pinamalayan Mayor Wilfredo Hernadnez ay dinaluhan nina San Teodoro Mayor Apollo Feraren, Roxas Mayor Jackson Dy, Bongabong Mayor Hercules Umali, Baco Mayor GRaciano Dela Chica, Gloria Mayor Romeo Alvarez, Mansalay Mayor Celestino Papasin, Pola Mayor Alex Aranas, Socorro Mayor Rolando Arreola, Puerto Galera Hubert Dolor, Bansud Mayor Ronaldo Morada, at Victoria Mayor Alfredo Ortega, Jr. Dumalo rin sa pagpupulong si Provincial Administrator Adel Abas.

Sa pagpupulong ay inilahad ng mga punumbayan ang mga kasalukuyang proyektong pangkaunlaran sa kani-kanilang bayan. Tinalakay rin dito ang kampanya ng mga pamahalaang lokal laban sa mga iligal na gawain katulad ng illegal logging at pag-uuling na patuloy na nagiging suliranin ng mga bayan sa ikalawang distrito.

Pinag-usapan rin dito ang iba't ibang isyu hinggil sa mga ipinatutupad na proyekto ng pamahalaang panlalawigan at ang mga pamamaraan upang mas epektibo itong maipatupad sa mga bayan. Kasabay nito, ipinangako ni Gobernador Arnan na patuloy siyang nakasuporta sa lahat ng mga pagpupunyaging pangkaunlaran ng bawat bayan at ipinangangako rin niya, aniya, ang paglalaan ng pamahalaang panlalawigan ng mga kaukulang pondo para sa mga malalaking proyekto ng mga ito.

"Makakaasa kayong kami sa pamahalaang panlalawigan ay palaging nakaalalay at handang sumuporta sa mga proyektong pangkaunlaran ng inyu-inyong bayan. Palagi kaming hadang magkaloob ng tulong sa lahat upang sama-sama ay maitaguyod natin ang pangkalahatang kaunlaran ng lalawigan na magbibigay ng mas maalwang buhay sa ating mga kababayan. Katulad ninyo, ako ay naging mayor din ng siyam na taon kaya't alam ko kung ano ang inyong mga pinagdaraanan at alam ko ang inyong mga kailangan," pagpapahayag pa ng Gobernador.

Ipinaabot naman ng mga punumbayan ang kanilang pasasalamat sa mga proyektong ipinagkaloob sa kanilang bayan ng pamahalaang panlalawigan. Isa rito ang pasasalamat ni Mayor Dela Chica sa napakalaking tulong umanong ibinigay ng ipinagawang kalsada sa Barangay Mayagao sa kanilang bayan.

"Ang aking mga kababayan ay nagpapasalamat dahil sa matagal nang panahon ay ngayon lamang naayos ang kalsada at ngayon lamang sila nakaamoy ng usok ng mga sasakyang dumaraan dito. Matagal na panahong sa dagat sila nagdaraan para magpunta sa Calapan," pahayag ni Mayor Dela Chica.

Kaugnay pa rin ng mga proyektong pangkaunlaran ng kanyang pamunuan at sa paglilinaw na nais ni Mayor Hernandez, inilahad ni Gobernador Arnan ang kasalukuyan nang estado nang nakatakdang pagtatayo ng bagong Provincial Hospital at pagsasaayos ng mga pampublikong ospital.

Ayon sa Gobernador, tapos na ang detailed architectural and engineering design ng bagong ospital at sa Enero 2009 ay sisimulan na ang konstruksyon nito. Aabutin, aniya pa, ng 18 buwan ang pagpapatapos ng proyekto samantalang tinatayang 7-8 buwan ang renobasyon at rehabilitasyon ng Pinamalan Hospital at Roxas District Hospital. Kasabay rin nito, ayon pa sa kanya, ang pagsasaayos ng ibang mga pampublikong ospital sa buong lalawigan.

Samantala, sa pagpupulong ay tinanong ni Mayor Arreola kung magpapatuloy si Gobernador Arnan sa paglilingkod bilang punong lalawigan at ano ang kanyang balak matapos ang 2010. Tinugon ito ni Gobernador Arnan na, "bilang incumbent, I will run for Governor."

Sa pagpupulong ay ipinaabot rin ni Mayor Hernandez kay Gobernador Arnan ang ipapasa nilang resolusyong humihiling sa mga may-ari ng shipping lines sa lalawigan na mailibre o mabigyan ng limampung porsyentong diskwento ang mga ambulansyang sasakay sa kanilang mga barko. Kasama rin nila, aniyang, hihilingin ang paglilibre sa pasahe sa pasyente at kasama nitong nurse o attending physician.

Sa kabuuan, ang pagpupulong ay hindi lamang naging isang pagkakataon upang talakayin ang iba't ibang isyung may kinalaman sa mga pagpupunyaging pangkaularan ng bawat bayan at ng buong lalawigan. Naging isang pagkakataon rin ito upang maipakita ang matibay na pagkakaisa ng Gobernador at ng mga punumbayan na gawing progresibo at mas maunlad ang Oriental Mindoro.

Ayon nga kay Mayor Aranas, "dumilim o lumiwanag, nakasuporta ako kay Governor Arnan sapagkat mabuti siyang tao at lubos ang kanyang pagtulong sa mga mamamayan."

Para naman kay Mayor Hernandez, "kuntento kami sa pamamahalang ipinakikita ni Governor Arnan. Wala kaming masasabi sa kanyang pamamalakad na ang sentro ay ang pagtulong sa aming mga kababayan." (PIA-MMIO) [top]

  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»PGMA orders immediate aid for families of C-130 passengers, crew
»Local Philippine partners get updates on biotech papaya and eggplant projects
»Tagalog News: Gobernador at mga mayor nagpahayag ng pagkakaisa sa pagpapa-unlad ng Oriental Mindoro
»Tagalog News: P200,000 programang pangkaunlaran isinulong sa Puerto Galera
»Tagalog News: PNP Patrol Group nakatanggap ng mobile patrol car
»Tagalog News: Gob nagbigay ng karagdagang pondo para sa PTA building sa Socorro
»Tagalog News: Implementing guidelines para Project ACCESS ng Oriental Mindoro at TESDA, aprubado
»Tagalog News: Oriental Mindoro, handa na sa Southern Tagalog cooperative summit
»Tagalog News: 1,000 puno ng mahogany itinanim sa bulubunduking barangay ng Pinamalayan
»Tagalog News: Earthquake drill nilahukan ng mga taga Oriental Mindoro
  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines