Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 20 February 2020 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << February 2020 >> 
S M T W T F S
1
2 3 4 5 6 7 8
9 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2008/08/27

Tagalog News: P200,000 programang pangkaunlaran isinulong sa Puerto Galera

Calapan, Oriental Mindoro (27 August) -- Unang araw ng Agosto nang magtungo si Gobernador Arnan sa bayan ng Puerto Galera upang personal na maghatid ng programang pangkaunlaran sa mga mamamayan dito.

Isandaan at limampung libong pisong tulong pinansyal ang ipinagkaloob kay Tabinay Brgy. Capt. Melchor Arago kasama ang buong konseho ng barangay para sa expansion/ upgrading ng kanilang water system.

Aabot sa tatlong daang pamilya ang makikinabang sa proyekto kaya lubos ang pasasalamat nila sa gobernador. Malaki, aniya, ang tiwala nilang hindi dito natatapos ang pagtulong ni Gobernador Arnan sa kanila sapagkat alam nilang kapag sa ikauunlad ng mga barangay, handang magkaloob ng tulong ang gobernador, pahayag ni Kapitan Arago.

Tinanggap naman ni G. Efren Garcia, pangulo ng Kausunan Iraya ng Tabinay ang limampung libong pisong tulong puhunan para sa kanilang goat raising project. Mapalad na napasama ang nabanggit na barangay sa programang Literasi at Kasanayan sa Hanapbuhay sa Kalibliban o LIKHA KA. Programa ito ng Pamahalaang Panlalawigan na naglalayong makapagkaloob ng alternatibong hanapbuhay sa mga pamayanang nasa liblib na lugar.

Ayon kay G. Garcia, walang hanggang pasasalamat ang kanilang nais iparating sa gobernador sapagkat batid niya ang kanilang kahirapan. Napakalaking tulong sa kanilang pamayanan ang programang ito.

Sa kanyang mensahe, sinabi ng gobernador na napakahalaga ng papel na ginagampanan ng bayan ng Puerto Galera sa pag-unlad ng lalawigan. Dahilan sa turismo, malaki ang ambag nito sa ating ekonomiya. Isa ang Puerto Galera sa mga ipinagmamalaking tourist destinations sa Pilipinas kung kaya't dinadayo na rin ito ng mga turista mula sa ibang bansa. Kailangan aniyang isustini ang mga programang pangkaunlaran para sa bayan at sa usaping ito'y kaagapay nila ang Pamahalaang Panlalawigan.

Nagpakita ng suporta sa okasyon si Mayor Hubert Dolor. Aniya'y mahalagang biyaya para sa Brgy. Tabinay ang hatid ng gobernador kung kaya't taos-puso ring pasasalamat ang kanyang paabot. (PIA-MMIO) [top]

  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»PGMA orders immediate aid for families of C-130 passengers, crew
»Local Philippine partners get updates on biotech papaya and eggplant projects
»Tagalog News: Gobernador at mga mayor nagpahayag ng pagkakaisa sa pagpapa-unlad ng Oriental Mindoro
»Tagalog News: P200,000 programang pangkaunlaran isinulong sa Puerto Galera
»Tagalog News: PNP Patrol Group nakatanggap ng mobile patrol car
»Tagalog News: Gob nagbigay ng karagdagang pondo para sa PTA building sa Socorro
»Tagalog News: Implementing guidelines para Project ACCESS ng Oriental Mindoro at TESDA, aprubado
»Tagalog News: Oriental Mindoro, handa na sa Southern Tagalog cooperative summit
»Tagalog News: 1,000 puno ng mahogany itinanim sa bulubunduking barangay ng Pinamalayan
»Tagalog News: Earthquake drill nilahukan ng mga taga Oriental Mindoro
  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines