Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 20 February 2020 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << February 2020 >> 
S M T W T F S
1
2 3 4 5 6 7 8
9 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2008/08/27

Tagalog News: PNP Patrol Group nakatanggap ng mobile patrol car

Calapan, Oriental Mindoro (27 August) -- Ang pangalagaan ang kaligtasan ng mga pasahero at motorista at ang mapanatili ang kapayapaan at katahimikan sa mga pangunahing lansangan sa lalawigan ng Oriental Mindoro.

Ito ang pangunahing tungkuling ginagampanan ng PNP Regional Highway Patrol Group-4B MIMAROPA.

Upang mas epektibo at mas episyenteng magampanan ang nabanggit na tungkulin, isang Toyota Revo Mobile Patrol Car na nagkakahalaga ng P470,000 ang ipinagkaloob ni Gobernador Arnan sa nabanggit na ahensya.

Isinagawa ang blessing at turn-over ceremonies ng nabanggit na mobile car noong Hulyo 31 sa tanggapan ng HPG-4B sa Barangay Suqui, Lungsod ng Calapan.

"Maging masigasig kayo sa pagtupad sa kanilang tungkuling maging tagapagbantay ng mga pangunahing lansangan ng lalawigan, mula sa mga masasamang elemento at maging sa mga motoristang hindi sumusunod sa mga batas ng lansangan. Mahalaga ang pangangalaga sa kapayapaan at katahimikan ng ating lalawigan lalawigan, lalo na ang bahagi na bumabagtas sa Strong Republic Nautical Highway," ang hiling ni Gobernador Arnan sa mga kawani ng PNP-HPG. Aniya pa, "nawa'y makiisa naming kayo sa layunin ng aking administrasyon na mapanatili ang lalawigan ng Oriental Mindoro bilang isa sa pinakamapayapang lalawigan sa buong bansa."

Pinangunahan ang blessing ng mobile patrol car ni Rev. Fr. Cenon Garcia. Samantalang ipinagkaloob ni Gobernador Arnan ang susi ng sasakyan kay Regional Highway Patrol Group Director Police Senior Superintendent Cesar Javier na taus-pusong nagpasalamat sa napakahalagang tulong na kaloob ng Gobernador sa kanilang tanggapan.

Nakiisa sa gawain sina PNP Provincial Director Police Senior Supt. Agrimero Cruz, CIDG Regional Officer Police Senior Supt. Sotera Macatangay, at HPG-Or. Mdo. Chief SPO4 Nestor Garcia. Sa ngalan ng kanilang tanggapan, ipinaabot ni SPO4 Garcia ang pasasalamat sa Gobernador sa aniya'y napakalaking tulong na ito mula sa Pamahalaang Panlalawigan. (PIA-MMIO) [top]

  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»PGMA orders immediate aid for families of C-130 passengers, crew
»Local Philippine partners get updates on biotech papaya and eggplant projects
»Tagalog News: Gobernador at mga mayor nagpahayag ng pagkakaisa sa pagpapa-unlad ng Oriental Mindoro
»Tagalog News: P200,000 programang pangkaunlaran isinulong sa Puerto Galera
»Tagalog News: PNP Patrol Group nakatanggap ng mobile patrol car
»Tagalog News: Gob nagbigay ng karagdagang pondo para sa PTA building sa Socorro
»Tagalog News: Implementing guidelines para Project ACCESS ng Oriental Mindoro at TESDA, aprubado
»Tagalog News: Oriental Mindoro, handa na sa Southern Tagalog cooperative summit
»Tagalog News: 1,000 puno ng mahogany itinanim sa bulubunduking barangay ng Pinamalayan
»Tagalog News: Earthquake drill nilahukan ng mga taga Oriental Mindoro
  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines