Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 20 February 2020 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << February 2020 >> 
S M T W T F S
1
2 3 4 5 6 7 8
9 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2008/08/27

Tagalog News: Gob nagbigay ng karagdagang pondo para sa PTA building sa Socorro

Calapan, Oriental Mindoro (27 August) -- Naging panauhing pandangal si Gobernador Arnan sa blessing ng Parent Teachers Association Building sa Leuteboro National High School sa bayan ng Socorro.

Pinangunahan ni Socorro Parish Priest Rev. Fr. Joseph Boongaling ang pagbabasbas na sinaksihan nina Mayor Rolando Arreola, Principal Dr. Domingo Mendoza, PTA President Golly Buela, mga magulang at guro ng naturang paaralan.

Sa kanyang mensahe sa programang ginanap, pinaalalahanan ng gobernador ang mga mag-aaral na pangalawang tahanan nila ang paaralan kung kaya't dapat mahalin at pangalagaan nila ang mga pasilidad dito na makatutulong para sa maayos nilang pag-aaral.

Binigyang pagkilala rin ng gobernador ang magandang partnership ng mga magulang at guro sa paaralan sapagkat isa na ito sa malalaking national high school sa lalawigan. Tunay na napakalaki ng ambag ng mga magulang sa pagtataguyod ng kapakanan ng mag-aaral.

Ang dalawang palapag na gusali ay siyang magiging libarary at computer room ng paaralan. Nagkalooban ng karagdagang 150,000 ang gobernador upang maipatapos ang nabanggit na istruktura.

Nakiisa sa okasyon sina Municipal Administrator Melinda Ortega-Perez; Sangguniang Bayan Members Elmer Anyayahan at Ronnie Dimaano; at G. Jaime Mingi na dating principal ng paaralan. (PIA-MMIO) [top]

  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»PGMA orders immediate aid for families of C-130 passengers, crew
»Local Philippine partners get updates on biotech papaya and eggplant projects
»Tagalog News: Gobernador at mga mayor nagpahayag ng pagkakaisa sa pagpapa-unlad ng Oriental Mindoro
»Tagalog News: P200,000 programang pangkaunlaran isinulong sa Puerto Galera
»Tagalog News: PNP Patrol Group nakatanggap ng mobile patrol car
»Tagalog News: Gob nagbigay ng karagdagang pondo para sa PTA building sa Socorro
»Tagalog News: Implementing guidelines para Project ACCESS ng Oriental Mindoro at TESDA, aprubado
»Tagalog News: Oriental Mindoro, handa na sa Southern Tagalog cooperative summit
»Tagalog News: 1,000 puno ng mahogany itinanim sa bulubunduking barangay ng Pinamalayan
»Tagalog News: Earthquake drill nilahukan ng mga taga Oriental Mindoro
  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines