Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 20 February 2020 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << February 2020 >> 
S M T W T F S
1
2 3 4 5 6 7 8
9 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2008/08/27

Tagalog News: Oriental Mindoro, handa na sa Southern Tagalog cooperative summit

Calapan, Oriental Mindoro (27 August) -- Aabot sa humigit-kumulang sa 400 delegasyon mula sa siyam na lalawigan ng rehiyong MIMAROPA at CALABARZON ang inaasahang dadalo sa 7th Southern Tagalog Cooperative Congress sa Agosto 13-15 sa syudad ng Calapan.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na dito isasagawa ang okasyon ng isa sa pinakamalalaking samahan ng mga kooperatiba sa bansa. Matatandaang isalin noong nakaraang taon ng lalawigan ng Laguna ang symbolic key kay Gobernador Arnan para sa pagho-host ng cooperative summit.

Sisimulan ang okasyon sa pagbubukas ng trade fair sa unang araw kung saan may iba't ibang booths ng mga produktong agrikultural, panturismo, at mga gawang produkto mula sa Department of Trade and Industry at City Trade and Industry Department.

Sa Agosto 14 naman gaganapin ang summit proper kung saan nakatakdang maging panauhing tagapagsalita sina BIR Deputy Commissioner Atty. Nelson Aspe, Land Bank Vice-President Donato Endencia, Cooperative Code of the Philippines Author Agapito "Butch" Aquino at CDA Assistant Regional Director Salvador Valeroso. Tatalakayin ng mga nabanggit ang mga paksang Taxation and Cooperative, Strengthening Cooperative Movement at Good Governance and Sustainable Business Enterprise to Achieve Competitive Advantage.

Inaasahan din ang pagdalo nina Land Bank President Gilda E. Pico, Cavite Governor Erineo Maliksi, AGAP Party List Representative Nicanor M. Briones, at CDA Regional Director Nonie Hernandez.

Nakatakda naman ang Cultural Fellowship sa gabi ng Agosto 14 na tatampukan ng mga natatanging bilang mula sa Sinidamuyan, Calapan Vendors Cooperative at CALSEDECO. Tutugtog at ipakikilala rin dito ang Oriental Mindoro Band. Sa huling bahagi ng programa isasagawa ang raffle draw kung saan malalaking premyo na inihanda ng Provincial Cooperative Development Council sa pamumuno ni Raquel Umali ang mga mapapanalunan.

Sa huling araw, nakatakdang ipasyal ng Provincial Tourism Office sa pamumuno ni Orlando Tizon ang mga delegasyon sa mga piling tourist spots sa mga bayan ng Puerto Galera, Naujan at Socorro. Kabilang sa mga nakatakdang puntahan ang Tamaraw Falls, Muelle Bay at White Beach sa Puerto Galera, Bancuro Church at Benilda Resort sa Naujan; Villa Ana Resort at ang Dalandan Juice Making Center ng ARC Cooperative sa Subaan, Socorro.

Sa pamamagitan din ng okasyong ito, inaasahang maipapakilala ang Oriental Mindoro bilang isa sa mga sentro ng turismo, kalakalan, agrikultura at food basket ng rehiyon.

Pangungunahan ni Gobernador Arnan ang pagtanggap sa mga panauhin kasama sina 1st District Representative Rodolfo G. Valencia, 2nd District Representative Alfonso V. Umali, Jr., Calapan City Mayor Salvador Leachon at iba pang mga punombayan sa lalawigan at mga kasapi ng Sangguniang Panlalawigan at Sangguniang Panglungsod ng Calapan. (PIA-MMIO) [top]

  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»PGMA orders immediate aid for families of C-130 passengers, crew
»Local Philippine partners get updates on biotech papaya and eggplant projects
»Tagalog News: Gobernador at mga mayor nagpahayag ng pagkakaisa sa pagpapa-unlad ng Oriental Mindoro
»Tagalog News: P200,000 programang pangkaunlaran isinulong sa Puerto Galera
»Tagalog News: PNP Patrol Group nakatanggap ng mobile patrol car
»Tagalog News: Gob nagbigay ng karagdagang pondo para sa PTA building sa Socorro
»Tagalog News: Implementing guidelines para Project ACCESS ng Oriental Mindoro at TESDA, aprubado
»Tagalog News: Oriental Mindoro, handa na sa Southern Tagalog cooperative summit
»Tagalog News: 1,000 puno ng mahogany itinanim sa bulubunduking barangay ng Pinamalayan
»Tagalog News: Earthquake drill nilahukan ng mga taga Oriental Mindoro
  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines