Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 20 February 2020 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << February 2020 >> 
S M T W T F S
1
2 3 4 5 6 7 8
9 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2008/08/27

Tagalog News: 1,000 puno ng mahogany itinanim sa bulubunduking barangay ng Pinamalayan

Calapan, Oriental Mindoro (27 August) -- Bilang bahagi ng patuloy na pangangalaga ng kalikasan at pagpapanatiling luntian ang kapaligiran ng lalawigan, pinangunahan ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan ng Environment and Natural Resources Office ang pagtatanim ng puno sa malaking bahagi ng Barangay Buli sa Pinamalayan.

Noong Hulyo 31, sama-sama ang mga taga-barangay na nasa may bulubunduking bahagi ng bayan sa pagtatanim ng may 1,000 puno ng mahogany. Ayon kay ENRO Chief Maximino A. Jumig, Jr., ang aktibidad ay tugon sa kahilingan nina Kapitan Pedro Hernandez at pakikipag-ugnayan ni Kagawad Joel Gutierrez dahilan sa nakikita ng mga opisyal ang pangangailangang patuloy na maproteksyunan ang mayamang kalikasan ng barangay.

Kasama ang mga barangay tanod, ilang barangay health workers at girl scouts, ang mga punong pananim, na nagmula sa nursery ng pamahalaang panlalawigan sa syudad ng Calapan, ay itinanim sa tabing kalsada at sa lugar na malapit sa Cawa-Cawa Falls.

Matapos ang pagtatanim, nagtungo ang mga lumahok sa gawain sa sitio Cawa-Cawa para linisin ang tabing-ilog. Ang Cawa-Cawa Falls ang isa ngayon sa mga pinauunlad na panturistang atraksyon ng bayan ng Pinamalayan.

Nakiisa rin sa okasyon sina Senior Tourism Operations Officer Orlando B. Tizon at SB Member Mara Jamilla na chairman ng committee on environment ng nasabing bayan. (PIA-MMIO) [top]

  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»PGMA orders immediate aid for families of C-130 passengers, crew
»Local Philippine partners get updates on biotech papaya and eggplant projects
»Tagalog News: Gobernador at mga mayor nagpahayag ng pagkakaisa sa pagpapa-unlad ng Oriental Mindoro
»Tagalog News: P200,000 programang pangkaunlaran isinulong sa Puerto Galera
»Tagalog News: PNP Patrol Group nakatanggap ng mobile patrol car
»Tagalog News: Gob nagbigay ng karagdagang pondo para sa PTA building sa Socorro
»Tagalog News: Implementing guidelines para Project ACCESS ng Oriental Mindoro at TESDA, aprubado
»Tagalog News: Oriental Mindoro, handa na sa Southern Tagalog cooperative summit
»Tagalog News: 1,000 puno ng mahogany itinanim sa bulubunduking barangay ng Pinamalayan
»Tagalog News: Earthquake drill nilahukan ng mga taga Oriental Mindoro
  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines