Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 20 February 2020 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << February 2020 >> 
S M T W T F S
1
2 3 4 5 6 7 8
9 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2008/08/27

Tagalog News: Earthquake drill nilahukan ng mga taga Oriental Mindoro

Calapan, Oriental Mindoro (27 August) -- Malaking tulong sa mga mamamayan ng Oriental Mindoro ang pagkakaroon ng tamang kasanayan at wastong impormasyon sa panahon ng kalamidad.

Ito ang layunin ng pagsasagawa ng Provincial Disaster Response Team ng earthquake drill sa iba't ibang lugar sa lalawigan kasabay sa pagdiriwang ng National Disaster and Consciousness Month noong Hulyo. At kamakailan, ang mga kawani sa Kapitolyo ang sumailalim sa naturang pagsasanay.

Sa drill, lumabas sa kani-kanilang tanggapan ang mga empleyado. Binigyan sila ng instruksyon ng PDRT team hinggil sa mga dapat gawin sa panahong mayroong lindol. Ang "duck cover and hold", ang pagiging alerto, at pagtungo sa ligtas na lugar ang ilan lamang sa pangunahing nararapat gawin ng bawat indibidwal kapag may katulad na kalamidad.

Ayon kay PDRT Team Leader Dennis Escosora, muli silang magsasagawa ng katulad na pagsasanay at hinikayat niya ang pakikiisa ng mga kawani rito.

Bukod sa mga kawani ng iba't ibang tanggapan sa loob ng Kapitolyo, lumahok din sa earthquake drill ang mga batang mag-aaral ng Provincial Capitol Daycare Center. (PIA-MMIO) [top]

  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»PGMA orders immediate aid for families of C-130 passengers, crew
»Local Philippine partners get updates on biotech papaya and eggplant projects
»Tagalog News: Gobernador at mga mayor nagpahayag ng pagkakaisa sa pagpapa-unlad ng Oriental Mindoro
»Tagalog News: P200,000 programang pangkaunlaran isinulong sa Puerto Galera
»Tagalog News: PNP Patrol Group nakatanggap ng mobile patrol car
»Tagalog News: Gob nagbigay ng karagdagang pondo para sa PTA building sa Socorro
»Tagalog News: Implementing guidelines para Project ACCESS ng Oriental Mindoro at TESDA, aprubado
»Tagalog News: Oriental Mindoro, handa na sa Southern Tagalog cooperative summit
»Tagalog News: 1,000 puno ng mahogany itinanim sa bulubunduking barangay ng Pinamalayan
»Tagalog News: Earthquake drill nilahukan ng mga taga Oriental Mindoro
  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines