Tagalog News: Mamalo itinanghal na kampeon ng Provincial Consumer Quiz Bee
by Andrew Hornales
Koronadal City (29 October) -- Itinanghal na champion ng Consumer Quiz Bee ang isang mag-aaral mula sa Notre Dame of Tacurong College (NDTC) Girls matapos ang ginanap na provincial elimination noong Biyernes (October 17).
Ang Provincial Consumer Quiz Bee na tumanghal kay Janina Mamalo bilang champion ay isa sa mga lined up activities sa paggunita ng Consumer Welfare Month ngayong buwan.
Layunin ng Quiz Bee na maipaalam lalo na sa mga kabataan ang kahalagahan ng consumerism sa pamamagitan ng pagsagot sa mga katanungan na may kaugnayan sa pagdiriwang ng Consumer Month.
Mula sa 24 na private at public secondary schools na lumahok sa Quiz Bee, pumasok naman sa top 5 ang Maligaya National High School (2nd place), Sultan Kudarat Polytechnic State College-High School Department (3rd place) habang ang Tacurong National High School at Bagumbayan National High School ay 4th at 5th places.
Ayon sa pamunuan ng Department of Trade and Industry (DTI), ang top 3 ng provincial quiz bee ang kakatawan sa Sultan Kudarat para sa Regional Competition sa ika-28 ng Oktubre na gaganapin sa The Farm, Koronadal City. (PPDO-Sultan Kudarat/PIA 12) [top]