Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 20 February 2020 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << February 2020 >> 
S M T W T F S
1
2 3 4 5 6 7 8
9 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/06/19

Tagalog News: Pamamahagi ng libreng health insurance sa Oriental Mindoro nagpapatuloy

Calapan City (19 June) -- Sa hangaring masaklaw ng programang Philhealth Para Sa Masa ang may isandaang libong mahihirap na Mindoreņo kung kaya't nagpapatuloy ang pagkakaloob ni Gobernador Arnan ng libreng health insurance sa iba't ibang bayan sa lalawigan.

Sa pinakahuling talaan ng Philhealth ng Abril taong kasalukuyan, umaabot na sa 65,000 pamilya ang nakikinabang sa programa sa buong lalawigan mula sa may 11,000 lamang na pamilyang benepisyaryo noong 2004.

Sa lungsod ng Calapan, tinanggap mula sa Gobernador ni Malamig Brgy. Capt. Oscar Villanueva ang mga Philhealth cards para sa 222 pamilya nilang benepisyaryo samantalang si Ibaba West Brgy. Capt. Joseph Rosas ang tumanggap ng mga card para naman sa 504 na pamilya sa kanilang barangay.

Sa bayan ng Naujan, 391 pamilya ang karagdagang benepisyaryo sa Brgy. Sta. Maria na ang mga cards ay buong pasasalamat na tinanggap mula sa Gobernador ni Councilor Florentino Gillado samantalang 125 pamilya ang makikinabang sa Brgy. Bagong Buhay na pinamamahalaan ni Brgy. Capt. Ireneo Glodo, Sr.

Sa malaking naging tulong sa kanilang pamilya ng libreng health insurance mula kay Gobernador Arnan kung kaya't walang hanggan ang pasasalamat na paabot ni Brgy. Sta. Maria Councilor Jocelyn Lim. Aniya'y nang maaksidente ang kanyang anak, umabot sa 60,000 ang kabuuang halagang babayaran sa ospital ngunit 20,000 lamang ang kanilang binayaran dahilan sa kanyang health insurance mula sa gobernador. (PIA) [top]

  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Strengthen LPRAT in LGUs to achieve progress, urges Palace official
»NSO reports on consumer price index in Bicol Region
»Tagalog News: Calapan City Airport, hiniling na maisaayos
»Tagalog News: Oposisyon ni Gob. Arnan sa mawalakang pagminina, suportado ng Kongreso
»Tagalog News: 503 benepisyaryo ng "Project Access" ng Oriental Mindoro
»Tagalog News: Men and Women in Uniform Welfare Assistance Program Ordinance, aprubado na sa Oriental Mindoro
»Tagalog News: Pamamahagi ng libreng health insurance sa Oriental Mindoro nagpapatuloy
»Tagalog News: Migrant Workers Day ipinagdiwang ng OWWA sa Oriental Mindoro
»Tagalog News: PPSKa teachers, mag-u-uniporme na
»Tagalog News: 0-H1N1 pa rin ang Oriental Mindoro
  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines