Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 25 May 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << May 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4
5 6 7 8 9 10 11
12 13 14 15 16 17 18
19 20 21 22 23 24 25
26 27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/10/26

Tagalog News: Batangueno nahirang na Most Outstanding Boy Scout

Lucena City (26 October) -- Muling nagbigay ng karangalan ang isang Batangueno sa pagkakahirang bilang una sa Top 10 Most Outstanding Boy Scouts of the Philippines ngayong taon.

Siya ay si Kevin Martin Saldado, isang 16 na taong gulang na 4th year high school student ng Batangas National High School. Nag-uwi si Saldado ng premyong full scholarship sa kolehiyo, P15,000 cash, tropeo at medalya.

Si Saldado ang gumanap na City Boy Vice Mayor sa pagdiriwang ng Boy Scout Week noong nakaraang taon. Siya ang nagwagi bilang 2009 Outstanding Boy Scout ng BSP Batangas City Council at pangalawa sa regional search na ginanap sa Los Banos Laguna.

May 27 boy scouts sa buong bansa ang lumahok dito kung saan ang community service at communication skills ang ilan sa binigyan ng malaking puntos sa pagpili ng mga awardees.

Kabilang pa sa nakatulong sa pagkakapanalo ni Saldado ay ang mga dokumentong isinumite nya na kinabibilangan ng mga certificates ng dinaluhan niyang mga pagsasanay, camporees, jamborees, written examinations, pakikiisa sa mga relief operations at pagsailalim sa interview kung saan nakakuha sya ng perfect score.

Nakatakdang magtungo si Kevin sa China sa Enero 2010 upang makipagtunggali sa Outstanding Boy Scouts of the Pacific Region. (PIA) [top]

  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagalog News: Batangueno nahirang na Most Outstanding Boy Scout
»Tagalog News: SSS salary loans bukas na
»Tagalog News: Inmates nagrehistro para bumoto
»Tagalog News: Disaster preparedness, isinusulong sa Batangas City
»Cebuano News: PGMA nakadawat ug hinabang nga bugas gikan sa Thailand
»Cebuano News: PGMA mitambong sa ASEAN Summit sa Thailand
»Cebuano News: PGMA milagda sa Climate Change law
»Cebuano News: Mayon Volcano milihok
»Cebuano News: PGMA gusto nga ang ASEAN loans menos ug mga kondisyones
»DOH opens more BnBs in Caraga region
  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines