Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 10 December 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << December 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6 7
8 9 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/08/04

Tagalog News: Bicol PNoy Power Movement nagsagawa ng enviro-care event at goods donation

Pagunita sa unang death anniversary ni Pangulong Cory

Legazpi City (4 August) -- Mahigit isang daan at limampung libong (150,000) P-Noy PM volunteers sa rehiyon, na pinangungnahan ni Dra Ofel Samar Sy, ay naglunsad ng ibat ibang events, kagaya ng tree planting sa paligid ng kilalang tourist destination Lignon Hill dito sa Lungsod ng Legazpi.

Libu-libong mga punong kahoy ang kanilang naitanim, kasabay nang kanilang adoption ng silangang bahagi ng Lingnon Hill bilang security blanket ng mga Legazpino sa tuwing nag aalburuto ang Bulkang Mayon.

Ang hakbangin ay habang buhay na ugnayan ng P-Noy Power Movement, lokal na pamahalaan ng Legazpi, sa pamumuno ni Mayor Geraldine Rosal at Albay, sa pamumuno naman ni Governor Joey Sarte Salceda, na tinaguriang Climate Change Champion sa bansa maging sa buong mundo man.

Bukod pa rito ang grupo ay una nang dumalo sa Banal na Misa sa Albay Cathedral na inialay rin sa pagunita ng anibersaryo ng pagkamatay ni dating Pangulong Cory.

Namigay din ang kanilang grupo ng mumunting regalo sa 250 indigent families sa bayan ng Daraga at dito sa Lungsod ng Legazpi.

Sinabi ni Dra Ofel Samay Sy ang kanilang ginawa ay bilang paggunita at pasasalamat sa mga nagawa ni Pangulong Cory sa bansa, ang kanyang pamanang Demokrasya sa sambayanang Filipino na dapat pangalagaan at ipaglaban habang buhay ng mga Filipino.

Pangal;awa ay ang pagbigay niya sa kanyang anak bilang ika labing limang Pangulo ng bansa. Binigyang diin ni Samar ang Pnoy Power movement will continue rallying behind P-noy?s success in his administration. At higit na mag alab ang pagmamahal sa Demokrasya.

Kanyang sinabing ang Bicol Pinoy Power movement ay nabuo noong October 2009, sa pamumuno ni Fr Arnold Abelardo. May 31 affiliated organizations at 16 na chapters sa anim na lalawigan sa rehiyon. Samantalang sa national level, ang mga organizers ng Pnoy Power Manila ay sina May Paner, Jim Paridez, Marion Roces, JJ Soriano ang Presidente, ang mag asawang Paco Alcuaz at maraming iba. (PIA) [top]

  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagalog News: Bicol PNoy Power Movement nagsagawa ng enviro-care event at goods donation
»Tagalog News: BIR Camarines Norte, nahigitan ng 50% ang collection target
»Tagalog News: Sapat ang bigas sa lalawigan ng Camarines Norte
»Tagalog News: 10-day voters' registration para sa barangay election magsisimula ngayon
»Tagalog News: Coast Guard pinaghahandaan ang inaasahang pagpasok ng apat na bagyo ngayong Agosto
»Tagalog News: World Breastfeeding Week ipinagdiriwang ngayong linggo
»PCA Palawan distributes 29,800 bags of salt fertilizer
»Environment secretary calls for more R&D projects in ASEAN forestry
»Fish cage livelihood project ipatutupad sa 3 bayan ng Palawan
»Governor Mitra elected chair of Palawan Council for Sustainable Development
  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines