Tagalog News: Government workers inaasahang tatanggap ng bonus
Koronadal, South Cotabato (8 November) -- Ang Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ay nagpaplanong magbigay ng cash gift para sa mga government employees ng di-bababa sa P5,000 ngayong Pasko.
Ito ay inanunsiyo ni Budget Secretary Rolando Andaya, matapos siyang atasan ng Pangulong Arroyo na gumawa ng executive order para sa pagpapalabas ng pundo para sa cash gift ng mga kawani ng pamahalaan.
Dagdag pa niya, ang Pangulo ay gagawa ng final decision kung magkano ang cash gift ngayong taon pagkatapos niyang pag-aralan ang lagay ng government finances. Ngunit sinigurado niyang hindi bababa sa P5,000 na cash gift ang ipamimigay ngayong taon.
Iniutos na rin ng Pangulo ang pagpapalabas ng second installment ng 13th-month pay para sa mga government workers. Nauna ng ibinigay ang kalahati nito sa buwan ng Mayo.
Sa ngayon, umaabot sa 1.07 milyon ang permanent national government employees. (Lgt/PIA 12) [top]