Tagalog News: PGMA umaasa na bibisita si SoKor President sa Pilipinas
Manila (22 July) -- Sa isang courtesy call, ni South Korea's Minister of Foreign Affairs and Trade Yu Myung Hwan inihayag ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na umaasa ito na bibisita si South Korean President Lee Myung-Bak sa Pilipinas sa susunod na taon kasabay ng 60th anniversary ng RP-South Korea diplomatic relations.
Ang Pangulong Arroyo at ang South Korean Minister na dati ring Republic of Korean (ROK) Ambassador Extraordinary at Plenipotentiary sa Pilipinas noong March 2004 hanggang August 2005, ay nakipagtalakay sa wide-range issue kasama na ang pagtaas ng pangangalakal at pamumuhunan sa bansa. (KAlbay/PIA 12) [top]