Tagalog News: Apat na miyembro ng LMG nasawi sa pakikipaglaban sa tropa ng pamahalaan
Koronadal City (23 October) -- Apat na pinaghihinalaang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang nasawi sa pagkikipalaban sa tropa ng pamahalaan sa Central Mindanao.
Ayon kay 6th Infantry Division Spokesperson Col. Julieto Ando, ang sagupaan ay naganap sa pagitan ng 5th Infantry Batallion at Lawless MILF Group (LMG) na nagsimula alas diyes ng umaga (10:00am) sa barangay Pamalian, Datu Piang Maguindanao.
Ito ay naganap sa kasagsagan ng pagpapatrolya ng 6th ID at nakasagupa nito ang grupo ni Commander Jade Pakidato ng 105th Base Command kung saan ang bakbakan ay tumagal ng halos isang oras at ang bawat panig ay mayroong matataas na kalibre ng mga baril.
Isang miyembro naman ng Armed Force Geographical Unit (CAFGU) ang nasawi sa sagupaan. Samantala kaagad ding umatras ang mga rebeldeng grupo ng pina-ulanan sila ng mga militar ng 105mm howitzers cannon.
Ayon pa kay 6th ID Chief Maj. Gen. Raymund Ferrer kahit na ano pa ang mangyari determinado pa rin ang tropa ng pamahalaan na mahuli si Commander Ameril Umbra Kato na mayroong sampung milyong pisong patong sa ulo. (Abbenal/PIA 12) [top]