Tagalog News: Dagdag na tropa ng PNP sa Lanao Norte
Koronadal City (23 October) -- Humigit kumolang pitungdaang (700) kapulisan ang idinagdag sa puwersa ng Philippine National Police (PNP) sa Lanao Del Norte (LDN) para maprotektahan ang lalawigan at kalapit lugar mula sa pagbabanta ng karahasan ng lawless MILF groups.
Inihayag ni P/Chief Supt, Teoderico B. Capuyan, Regional Director ng (PNP) region 10 na tatlumpong (30) dito ang kabilang sa mga commissioned officer at anim na raan at walumpu't-isang (681) ang mga commissioned officer.
Ang nasabing dagdag na tropa ng PNP ay kasama sa augmentation force para sa law enforcement activities na pinangungunahan ng Provincial Police Mobile Groups (PPMG), 4th Police Regional Mobile Unit (PRMU), Iligan City Mobile Group (ICMG), at ang Special Action Force (SAF).
Samantalang sa Camp Tomas Cabili sa Tipanoy sa Iligan City ang mga PNP augmentation force kasama ng KMG at SAF ang nagsisibing standby force. (MBF/PIA) [top]