Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 8 August 2022 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << August 2022 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6
7 8 9 10 11 12 13
14 15 16 17 18 19 20
21 22 23 24 25 26 27
28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2008/10/23

Tagalog News: Konstruksyon ng Malitbog-Maridagao Irrigation Project magpapababa ng kahirapan sa bansa

Koronadal City (23 October) -- Ang konstruksyon ng Malitbog-Maridagao Irrigation Project ay inaasahang magpapababa ng kahirapan sa bansa at sa pamamagitan nito ay mapapataas pa ang kita ng mga magsasaka sa North Cotabato.

Ito rin ay inaasahang magbubukas ng panibagong trabaho, magpapataas sa produksyon ng palay sa lugar, maseguro ang sapat na supply ng bigas sa bansa at magsisilbing daan upang makamit ang hangaring kapayapaan at kaunlaran sa lugar.

Ang Malitbog-Maridagao Irrigation Project I ay sinimulan noong 1989 at inaasahan sanang matatapos noong 1996 na may pondong P1.047 bilyong piso mula sa Japan bank for International Cooperation (JIBC). Target ng proyektong ito na makapagpatubig ng 10,840 ektaryang sakahan sa mga bayan ng Carmen at Pikit sa lalawigan ng Cotabato at mga bayan ng Datu Montawal at Pagalungan ng lalawigan ng Maguindanao.

Ngunit ang proyektong ito ay hindi natapos sa itinakdang panahon dahil na rin sa pagkakaroon ng right of way (ROW) problem, price escalation at hindi magandang sitwasyon sa lugar.

Sa kabila nito, ito ay partial na natapos noong May 2003 at nai-turn over sa National Irrigation Administration ng Rehiyon Dose noong 2004. Ito ay may kakayahang makapagpatubig ng mahigit anim na libong (6,000)ektaryang gross irrigable area at mahigit limang libong (5,000) ektaryang net irrigable area. (Abbenal/PIA 12) [top]

  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Davao banana exporter penetrates US market
»LBP to meet target in giving P5-B loans to rice farmers
»Ms Lasangre bags Dangal ng Bayan Award
»ComVal braces up for 2nd BSP Provincial Jamboree
»Tagalog News: Apat na miyembro ng LMG nasawi sa pakikipaglaban sa tropa ng pamahalaan
»Tagalog News: Dagdag na tropa ng PNP sa Lanao Norte
»Tagalog News: Konstruksyon ng Malitbog-Maridagao Irrigation Project magpapababa ng kahirapan sa bansa
»Tagalog News: Livelihood program inilunsad sa bayan ng Carmen
»Tagalog News: Pagsasaayos ng RPOC binigyang diin ni Mangudadatu
»Tagalog News: PGMA ipinaabot ang suporta kay US President Bush
  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines