Tagalog News: PGMA ipinaabot ang suporta kay US President Bush
Manila (23 October) -- Ipinaabot ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang kanyang buong suporta sa plano ni United States (US) President George W. Bush na magsagawa ng isang global summit para sa mga pinuno ng bansa upang talakayin ang suliraning pang-ekonomiya na hinaharap ng buong mundo.
Ayon kay Executive Secretary at Presidential Spokesman Eduardo Ermita, ang nabanggit na panukala ay isang magandang pagkakataon upang mas lalo pang mapaigting ng Pilpinas at ng ibang bansa ang pagsisikap ng mga itong malabanan at matugunan ang financial crisis na hinaharap ngayon ng buong mundo.
Dagdag pa ni Ermita, malaki ang maibabahagi ng Pilipinas at ng iba pang Asian countires sa ibang bansa kung papaano mapapanatili ang pag-unlad ng ekonomiya sa kabila ng pagbagsak ng ekonomiya ng mundo at kung anu-ano ang mga pamamaraang dapat gawin upang matulungan ang mga mamamayan ng sa ganun ay hindi lubos maapektuhan ang mga ito sa nabanggit na suliranin.
Ipinaabot ng Pangulo ang kanyang pagsuporta kay President Bush sa pamamagitan ng pag-alok na maging host sa gaganaping summit kasama ni United Nations (UN) Secretary General Ban Ki-Moon na nag-alok ding isagawa ng summit sa UN headquarters sa New York. (Lgtomas/PIA 12) [top]