Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 22 January 2020 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << January 2020 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4
5 6 7 8 9 10 11
12 13 14 15 16 17 18
19 20 21 22 23 24 25
26 27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/06/09

Tagalog News: Usaping pangkapayapaan, malaking hamon sa susunod na administrasyon

Manila (June 9) -- Pagkamit ng tunay na kapayapaan sa Mindanao ay malaking hamon sa susunod na administrasyon lalo na ang pagresolba ng mga isyung kontrobersyal sa usaping pangkapayapaan.

Ito ang pahayag ni Deputy Presidential Adviser on the Peace Process Nabil A. Tan sa isang Peace Forum for Sustained Partnership na ginanap sa Heritage Hotel, Pasay City noong nakaraang Lunes.

Ayon sa kanya ang isyu ng pangkapayapaan ay walang katapusan at kailangan laging handa ang mga tagataguyod ng kapayapaan sa mga bagong ideya, mapagsiyasat ang isipan at marunong magtatag ng pangmatagalang kolaborasyon na nakaangkla sa pagtitiwala, respeto at pagpaparaya.

Si Tan ay isa sa mga nangungunang personalidad sa negosasyon sa pagitan ng gobyerno at Moro National Liberation Front (MNLF) na nagbunsod sa pagpirma ng makasaysayang peace agreement kasama ng MNLF noong Sept. 2, 1996 sa ilalim ng administrasyon ni President Fidel V. Ramos.

Dagdag nito kailangan din habaan pa ng gobyerno ang determinasyon nito sa pagpanday ng peace process sa pagitan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Communist Party of the Philippines-New People?s Army-National Democratic Front (CPP/NPA/NDF).

Ayon kay Tan ang "comprehensive peace process" ay nahaharap sa maraming pagsubok sa layon nitong mapursige ang daan tungo sa matibay na landas ng kapayapaan.

Ang opisina ng Presidential Adviser on the Peace Process ay gumagawa ng mga pag-uusap at konsultasyon sa iba?t ibang parte ng Pilipinas upang makakalap at malaman ang tunay na pulso ng bayan hinggil sa usaping pangkapayapaan. (PIA SarGen) [top]

  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagalog News: Usaping pangkapayapaan, malaking hamon sa susunod na administrasyon
»Tagalog News: Pagbisita ni Al Gore makakapukaw sa kamalayan ng Pilipinas laban sa climate change
»June 9 is deadline for election 2010 candidates to declare expenditures
»Gun ban ends after June 9
»Cebuano News: Pagpasindungog sa outstanding OFWs maoy sentro sa selebrasyon sa Migrant Workers' Day
»Waray-Waray News: 400 mayors nagpasalamat kan PGMA sa mga proyekto sa LGU
»Cebuano News: Mas baratong lana, elektrisidad nakahinay sa inflation sa Mayo
»Waray-Waray News: Palasyo himyang nga gintatapo an proklamasyon san nagdaug nga Presidente nga Bise Presidente
»OWWA honors outstanding OFWs of Eastern Visayas
»Negros farmers urged to make organic fertilizer
  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines