Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Sunday, 3 July 2022 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << July 2022 >> 
S M T W T F S
1 2
3 4 5 6 7 8 9
10 11 12 13 14 15 16
17 18 19 20 21 22 23
24 25 26 27 28 29 30
31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/07/29

Tagalog News: Programang mangangalaga sa Naujan Lake, inilunsad

Calapan City (29 July) -- Paiigtingin ang pangangalaga at preserbasyon sa Naujan Lake upang maibsan ang mga kinakaharap nitong suliranin at banta ng pagkasira.

Dito nakasentro ang inilunsad na programang Community-Based Management of Naujan Lake na ginanap noong Hulyo 20, 2010 sa Divine Word College of Calapan.

Ang programa ay magkatuwang na itinataguyod ng Australian Youth Ambassadors for Development (AYAD) at ng DWCC, sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Panlalawigan at pamahalaang bayan ng Naujan, Socorro, Pola at Victoria, ang mga bayang nakapaligid sa naturang lawa.

Dinaluhan ang naturang gawain nina Executive Assistant Dr. Marpheo Marasigan, kinatawan ni Gob. Alfonso V. Umali, Jr., Provincial Agriculturist Petronilo Dimailig, DWCC Dean Dr. Corazon S. Morilla, DWCC President Fr. Anthony Ibarra Fabella, SVD, at Socorro CENRO Ernesto Yere. Ang mga nabanggit ang lumagda rin sa Memorandum of Agreement (MOA) na nagpapatibay sa kasunduang pagtutulungan ng mga nakalagdang stakeholders para sa epektibong pagsasakatuparan ng naturang proyekto.

"Ang pangangalaga sa ating kapaligiran ay kabilang sa mga pangunahing tunguhing pangkaunlaran ni Gob. Umali kaya maaasahan ninyong buo ang suporta ng Pamahalaang Panlalawigan sa pagsusulong ng programang ito," pahayag ni EA Marasigan.

Sinabi rin niyang, "Sa mga kinakaharap na suliranin ng Naujan Lake, kinakailangan na talaga tayong kumilos at gumawa ng paraan upang maipreserba ang lawa sapagkat ito ay katatagpuan ng marami at mga natatanging hayop at halaman (flora and fauna). Pinanggagalingan din ito ng ikinabubuhay ng mga residenteng naninirahan sa paligid nito at nagsisislbi rin itong panirahan ng migratory birds na dumadayo rito mula sa ibang bansa tuwing buwan ng Marso."

Ipinaliwanag naman ni AYAD volunteer Amanda Wilmott ang kahalagahan na mapangalagaan ang naturang lawa dahil na rin sa taglay nitong sariwang tubig at masaganang isda. Maliban pa rito, sinabi niyang lubhang mahalaga ang lawa sapagkat nadeklara na itong isa sa apat na mahahalagang wetland sa buong bansa.

Samantala, nabuo ang proyekto bunsod ng iba't ibang problemang nakikita rito na kung hindi maaagapan ay magiging dahilan ng tuluyang pagkasira nito at pagkawala ng kabuhayan ng mga residenteng naninirahan sa paligid nito.

Kabilang sa mga suliraning ito ay kontaminadong tubig, polusyon, sobrang pangingisda na maaaring mauwi sa pagkaubos ng mga ito, at ang nasisira nang mga panirahan ng mga isda.

Sa programa, inaasahang makikipagtulungan ang mga mapipiling guro at kabataan sa paglikha ng kamalayan hignggil sa kahalagahan at pangangalaga ng naturang lawa sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagsasanay sa mga ito upang maibahagi ang nakalap na kaalaman sa komunidad na nakapaligid sa lawa. (PIA) [top]

  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»DOLE 3 inauguarates new field office in Bulacan
»Tarlac observes national disability and rehab week
»Tagalog News: Gov. Alfonso V. Umali, Jr. napiling bagong pangulo ng Liga ng mga lalawigan ng Pilipinas
»Tagalog News: Capability building on local governance, pangungunahan ng Oriental Mindoro SP
»Tagalog News: Halcon Heritage Forest Museum, isasagawa sa Oriental Mindoro
»Tagalog News: Programang mangangalaga sa Naujan Lake, inilunsad
»Tagalog News: Mas produktibong pamamalaisdaan isinusulong ng Oriental Mindoro LGU
»Tagalog News: Special recruitment activity patuloy na itinataguyod sa Oriental Mindoro
»PTC classification board provided in Bohol Tourism Act
»Cebuano News: Papason ang rebelyon sa Negros Oriental sa 3 ka tuig
  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines