Tagalog News: Special recruitment activity patuloy na itinataguyod sa Oriental Mindoro
Calapan City (29 July) -- Tuluy-tuloy ang pagtataguyod ng pamahalaang panlalalawigan ng iba't ibang programang makapagbibigay ng trabaho at kabuhayan sa mga mamamayang Mindoreņo.
Isa sa mg programang ito ang pagtataguyod ng special recruitment activities na pinangangasiwaan ng Public Employment Service Office sa pakikipagtulungan sa mga lehitimong recruitment agencies.
Noong Hulyo 19-21, dumagsa ang mahigit sa 100 aplikante sa Provincial Capitol Square upang mag-apply sa iba't ibang trabahong iniaalok ng Green World Placement Services at ng FMJ International Manpower and Allied Services, Inc. kabilang ang pagiging domestic helpers, teachers, nurses, receptionists, waiters, skilled workers at iba pa.
Sa panayam kay PESO Provincial Manager Antonio M. Magnaye, Jr. ay kanyang sinabi na mahigit sa 50 ang kwalipikadong magtrabaho sa ibang bansa partikular sa Arab countries.
Aniya pa, sa mga susunod na buwan ay may mga naka-iskedyul pang recruitment activities upang ang pamahalaang panlalawigan patuloy na makapagbigay-oportunidad sa mga mamamayang Mindoreņo na makapagtrabaho at maiangat ang kanilang pamumuhay. (PIA) [top]