Tagalog News: Dagupan kabilang sa watchlist ng Comelec, PNP
Ni Eme M. Ballesteros
Dagupan City (1 October) -- Napabilang sa PNP-COMELEC watchlist ang lungsod ng Dagupan ngunit hindi nangangahulugang magulo na ang siyudad, paglilinaw ni police chief Romeo Caramat sa interview ng Bombo Radyo Dagupan.
Ani Caramat, ang pagkakasama ng lungsod sa watchlist ng COMELEC at PNP ay ibinase sa untoward incident na nangyari sa barangay Bolosan na kinasangkutan ng mga taga-suporta ng dalawang partido pulitikal noong nakaraang eleksyon.
Tutukan ng mga kapulisan ang lungsod lalong lalo na ang mga taga-suporta ng mga tatakbong kandidato, aniya.
Sa kasalukuyan, apat na barangay ang inaasahang mainit ang labanan partikular ang Bonuan Gueset.
Umaasa si Caramat na mananatiling mapayapa ang lungsod sa pagsapit ng Barangay at Sangguniang Kabataan Eleksyon sa Oktubre 25.
SamantalaIa, ipinagmalaki ni Caramat na nabawasan na ang mga iligal na aktibidad sa lungsod ng Dagupan.
Dati-rati may nahuhuli sila linggo-linggo na sangkot sa iligal na droga at sugal, ayon sa kanya.
Nakatutok ang mga kapulisan sa kampanya laban sa iligal na sugal at ang gaganaping eleksyon sa Oktubre 25.
Giit ng opisyal na walang rason na hindi matigil ang iligal na aktibidad kung sama-samang kikilos ang lahat. (PIA Pangasinan) [top]