Tagalog News: Gov. Dominguez pinapurihan ni Reyes sa pagprotekta ng Sarangani Bay
by MM Galdones
Koronadal, South Cotabato (29 November) -- Pinapurihan ni Environment Secretary Angelo Reyes si Sarangani Governor Migs Dominguez sa pamumuno nito sa pangangalaga at conservation ng biodiversity sa Sarangani Bay. Ito ay pagkatapos na magsagawa si Sec. Reyes ng pagsusuri sa P31 million Environment Conservation and Protection Center (ECPC) na ipinagkaloob sa probinsiya ng Sarangani noong Agosto taong kasalukuyan. aniya, ito'y isang palatandaan sa pagsisikap at kakayahan ng Gobernador at maging ng pamahalaan lokal ng probinsiya.
Binigyang-diin din ni Reyes na ang hangarin ni Governor Dominguez na makapagbigay ng mga technical assistance ay hindi lamang sa pamamagitan ng mga tanggapan ng mga lokal na pamahalaan, pati na rin sa mga pribadong sektor na pumapasok sa nasabing probinsiya upang magsagawa ng pananaliksik.
Ito'y convergence area of efforts tungo sa iisang layunin, ang mapangalagaan ang karagatan hindi lamang sa bahagi ng Sarangani kundi sa buong Pilipinas, pahayag ni Reyes. (PIA 12) [top]