Tagalog News: Palasyo pinalalakas ang communication effort
Manila (29 July) -- Pinalalakas ng pamahalaan ang pagsisikap nitong magkaroon ng epektibong communications group upang maipaabot nang maayos at malinaw ang mensahe ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III para sa mamamayan.
Ayon kay Presidential Spokesperson Edwin Lacierda, inilabas na ni Pangulong Aquino ang Executive Order na nag-uutos sa kanyang gabinete na magtalaga ng mga spokespersons sa bawat kagawaran upang sumagot sa mga concerns ng mga mamamahayag sakaling mayroong pinagtutuunan ng pansin ang mga kalihim.
Ang kautusan ay naglalayong tulungan ang Communications Group ng Malakanyang sa paghahatid ng wasto at malinaw na mensahe ni Pangulong Aquino.
Sa kabila ng kakapusan sa pondo, inihayag ni Herminio "Sonny" Coloma ng Malacaņang Communications Group na isanaalang-alang din ang posibleng partnership sa mga private telecommunications companies at internet bloggers upang mapalakas ang communication efforts.
Dagdag ni Ricky Carandang na inihahanda na rin ang paglalagay ng online Official Gazette na magsisilbing access ng mamamayan sa anumang impormasyon na magmumula sa pamahalaan. (drew hornales/PIA12) [top]