Tagalog News: Mga mambabatas tiwalang makakamit ang agenda ni PNoy para sa bansa
Manila (29 July) -- Dalawang araw matapos ang State of the Nation Address ni Pangulong Benigno Aquino III, ilang mambabatas pa ang nagpahayag ng kompyansa na makakamit ng bagong administrasyon ang ipinangako nito sa bayan na maayos na pamahalaan at maibsan ang kahirapan lalo na kung mapagtuunan ng administrasyon ang mahahalagang hakbang.
Ayon kay Eastern Samar Rep. Ben Evardone ginamit ng Pangulo ang SONA upang pukawin ang pag-asa ng bayan at binigyan ito ng pagkakataon na muling mangarap. Aniya, dapat suportahan ng Commission on Appointment si Pangulong Aquino sa pamamagitan ng pagkumpirma ng kanyang Gabinete.
Samantala, ayon naman kay Quezon City Rep. Winston Castelo, dapat pagtuunan ng Pangulo ang progamang magbibibigay ng oportunidad na magkabahay ang mga mahihirap.
Mahalaga rin na maipapatupad ng Aquino administration ang mga proyektong magpapalakas ng financial capability at standing ng bansa, ayon kay Aurora Rep. Juan Edgardo Angara.
Nanawagan naman si Baguio City Rep. Bernardo Vergara sa bayan na suportahan ang development agenda ng Pangulo, na tinawag niyang "very impressive," upang masiguro ang pag-unlad ng Pilipinas. (DE Doguiles/PIA 12) [top]