Tagalog News: Mga Pilipino 'satisfied" sa May 2010 elections
Manila (29 July) -- Pitumpu't limang porsiyento ng mga Pilipino ang nasiyahan o'satisfied' sa nakaraang automated national and local elections. Ang May 2010 elections na rin ang may pinakamataas na satisfaction rating kung ikukumpara sa 2004 at 2007 elections, ayon sa Social Weather Station (SWS).
Sa isa pang survey ng SWS, nalaman din na pitumpu't walong porsiyento ng nagsilbi sa nakaraang eleksyon ang "much more satisfied" kaysa mga mamamayan.
Samantala, sa pitong institusyong kasali sa pagpapatupad ng halalan, ang mga gurong nagsilbi sa halalan ay nakatanggap ng pinakamataas na public satisfaction rating na sinundan ng Philippine National Police (PNP) at ang Armed Forces of the Philippines (AFP).
Dagdag pa ng nasabing report, 70 percent din ang ang "satisfied" sa trabaho ng Smartmatic hinggil sa papel nito na pagseguro na gagana ang mga PCOS machines.
Noong 2004, 53 percent lang satisfaction rating ng halalan samantalang 51 percent naman ang satisfaction rating ng mid-term elections noong 2007. (DE Doguiles/PIA 12) [top]