Tagalog News: Pamahalaan naglaan ng pondo upang tugunan ang maging epekto ng El Nino
Koronadal, South Cotabato (29 November) -- Inihayag ni Budget Secretary Rolando Andaya, na naglaan ng pondo ang pamahalaan upang tugunan ang magiging epekto ng El Nino weather phenomenon sa agrikultura.
Subalit, ayon kay Andaya, ang pagpapatupad ng 2007 budget ay nasa kritikal umano dahil napapaloob dito ang proposal na 7.6 bilyong piso ng gagamitin para sa patubig ng 17,150 hectares of farmland sa buong bansa.
Sa naturang pondo, ang 7.31 bilyong piso ay inilaan para sa Department of Agriculture habang ang 330 milyong piso ay isinali naman sa pondo ng Department of Agrarian Reform.
Dagdag pa ni Andaya, kung ang nasabing pondo ay maipatupad bago matapos ang taon, masisimulan na diumano ang paghahanda ng mga irrigation system para sa darating na tagtuyot. (CGI/PIA 12) [top]