Tagalog News: Pananaw ng publiko salungat sa totoong takbo ng ekonomiya ng bansa, ayon sa grupo
Manila (1 October) -- Inihayag ni Matthew Daley, presidente ng US-ASEAN Business Council, na salungat sa pananaw ng publiko ang totoong takbo ng ekonomiya ngayon ng Pilipinas matapos ang rondtable discussion kasama ang Pangulong Arroyo sa Waldorf Astoria Towers sa New York.
Ayon kay Daley, ang Pilipinas ay nakakaranas ngayon ng pinakamataas na average economic growth, nakapagpagawa ng maraming trabaho para sa mamayang Pilipino, nakapagbigay ng pinakamababang inflation rate kung saan ito umano ay isang nakakahangang pagbabago sa bansa.
Pinuri rin ni Daley ang Pangulong Arroyo dahil naisakatuparan nito ang magandang pamumuno nito sa bansa. Inihayag nito sa Pangulo na magpapadala ang US-ASEAN Business Council ng isang business mission sa Pilipinas sa susunod na buwan upang mapalago nito ang kaalaman ng bawat mamamayang Pilipino pati narin ng mga American citizen ang tungkol sa mga negosyo at pamumuhunan sa bansa.
Dagdag pa ni Daley, ang business mission na ito ay makakatulong upang mapatunayan narin sa publiko ang tunay at positibong resulta ng pagsisikap ng pamahalaan na paunlarin ang ekonomiya ng bansa na siya namang nangyayari ngayon. (Lgtomas/PIA 12) [top]