Tagalog News: Paglagda ng kasunduan tutugon sa problema ng bansa
Manila (8 October) -- Kasabay ng paglagda ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa siyam na kasunduang magpapatibay sa samahan ng Pilipinas at India, inihayag nitong ang mga kasunduang ito ang magbibigay daan upang matugunan ang ilang problemang hinaharap ngayon ng bansa.
Ilan sa mga kasunduan ay para pagtiyak ng seguridad ng bawat mamamayan, pangangalaga ng kalusugan, pangangalakal at pamumuhunan, enerhiya, agrikultura, turismo at kultura ng Pilipinas at India.
Kasali rin sa kasunduan ay ang pagpuksa laban sa terorismo at pagbibigay ng murang gamot para sa masa. Makikipagtulungan din ang India sa Pilipinas upang mapaunlad nito ang industriya ng biofuel na inaasahan namang magbubukas ng panibagong trabaho at magpapanatili sa malinis na kapaligiran para narin sa kinabukasan ng susunod na henerasyon. (Lgtomas/PIA 12) [top]