Tagalog News: PGMA nananawagan na itaguyod ang kulturang pangkaunlaran at pagkakasundo
Manila (16 November) -- Maraming spekulasyon ang kasalukuyang lumalabas ukol sa nangyaring pagsabog sa Batasan lalo na sa kung sino ang target sa naturang insidente. Sa kabila nito, nakatuon pa rin ang pamahalaan sa patuloy na imbestigasyon upang matukoy ang mga salarin.
Kabilang sa mga security measures na ipinag-utos ng Pangulong Arroyo ay ang pagbuo ng Task Force Against Political Violence na pangungunahan ng Department of National Defense (DND).
Layunin nito ang paigtingin ang pakikiisa ng mga sangay ng pamahalaan, political groups, religious groups, civil society at sectoral organizations lalo na ang Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas (KBP) at ang mamamayan sa pag-iwas, pag-imbestiga, at pagkondina sa mga nangyayaring karahasan sa pulitika.
Nananawagan din ang Pangulong Arroyo sa KBP na tulungan ang pamahalaan na itaguyod ang kulturang pangkaunlaran at pagkakasundo sa halip ng mga isyung hahadlang sa pag-abot ng mga magagandang mithiin ng bansa. (ajph/PIA 12) [top]