Tagalog News: Pamumuhunan sa bansa patuloy
Manila (16 November) -- Inihayag ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang patuloy na pagdagsa ng pamumuhunan sa bansa dala ng patuloy na pag-unlad ng stock market kung saan ipinaabot nito ang pamumuhunan ng Banyan Tree Group ng bansang Singapore para sa pagpapatayo ng five-star hotel sa northern Palawan, sa isang isla sa Coron.
Ayon sa pangulo, maliban sa limampu't-limang (55) ektrayang lupain sa Palawan, naghahanap pa ito ng karagdagang tatlong daang (300) ektaryang lupain upang maging ganap na "resort community" ang proyekto nito sa Pilipinas kung saan ito ang pinaka-latest sa mga bumubuhos na pamumuhunan ngayon sa bansa.
Ang nasabing pamumuhunan ng Banyan Tree Group ay inaasahang magbubukas ng trabaho na kabilang sa pagsisikap ng pamahalaan na mapa-unlad ang estado ng pamumuhay ng mamamayang Pilipino.
Sa ngayon pangunahing pinagtutunan pansin ng pamahalaan na mapababa ang presyo ng pangunahing bilihin, makapagbigay ng abot kayang pabahay, at ang pagpapa-unlad sa pagbibigay ng kalidad na edukasyon sa mga Pilipino na makakatulong upang mapa-unlad ang competitiveness ng Pilipinas. (Abb/PIA 12) [top]