Tagalog News: Pag-apela ng Pangulo sa mga religious leaders ukol sa kanyang pananaw
Manila (16 November) -- Umapela si Pangulong Gloria Macapagal- Arroyo sa mga religious leaders ng suporta para sa kanyang pananaw para sa Pilipinas na maging First World Nation sa susunod na dalawang dekada.
Inihayag ng Pangulo na ang pag-unlad ng ekonomiya ay dala ng katahimikan at seguridad ng bawat mamamayan ng bansa.
Kaugnay nito, nananawagan ang Pangulo na ang lahat ay magtulungan para sa susunod na tatlong taon upang makamit ang katahimikan, pagbibigay katiyakan at pag-asa para sa buong bansa gaya ng gaganaping pagbabago ng pamahalaan sa Mindanao. Dagdag pa ng pangulo, sa taong 2010, ang Pilipinas ay inaasahang maging isang maunlad na bansa.
Ayon din kay Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza, ang Pangulo ay nakatakdang pangunahan ang pagbubukas ng Bishops-Ulama-AFP-PNP forum for Peace sa Pryce Hotel sa Cagayan de Oro ngunit ito ay nakansela dahil sa masamang lagay ng panahon. Inihayag din ni Esperon na ang nasabing peace forum ay isang paghahanda para sa susunod na linggong Peace Week sa Mindanao. (BEA/PIA 12) [top]