Tagalog News: 100 katao mula sa Ilocos Norte nakinabang sa slaughtering program ng TESDA
Ni Carlo P. Canares
Laoag City, Ilocos Norte (19 October) -- Isang daan katao mula sa probinsiya ng Ilocos Norte ang nabiyayaan na mabigyan ng 'slaughter training program' sa ilalim ngTechnical Education Skills &Development Authority-Pangulong Gloria Scholarship Program (TESDA-PGS).
Mayroon singkwenta katao ang nauna ng nagtapos sa nasabing pagsasanay. Gumugol ang mga nasabing mga kalahok ng 35 na araw para maging bihasa sa 'slaughtering' na isinagawa sa MMS Development Training Center sa Cainta, Rizal. Sinabi ni Gng Orlean Sison, marketing director ng MMS Training Center, na ang mga nagsipagtapos ay maaari nilang irekomenda upang makapagtrabaho sa ibayong dagat. Bukod pa dito, sila ay binibigyan prayoridad ng TESDA na mabigyan ng trabaho sa ilalim ng "Jobs Bridging" programa nito.
Ayon kay Charito Santos, pinuno ng TESDA sa Ilocos Norte, mayroon pang ikalawang batch ang kasalukuyang sumasailalim sa nasabing pagsasanay. Ang probinsiya ng Ilocos Norte lamang ang tanging lalawigan na nabiyayaan na mabigyan ng 100 slots para sa slaughtering program ng TESDA. (PIA) [top]