Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 7 December 2022 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << December 2022 >> 
S M T W T F S
1 2 3
4 5 6 7 8 9 10
11 12 13 14 15 16 17
18 19 20 21 22 23 24
25 26 27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2007/05/02

Tagalog News: PGMA pinasinayaan ang “workers inn” para sa mga urban workers

Manila (2 May) -- Kasabay ng Labor Day celebration kahapon (May 1, 2007), pinasinayaan ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang apat na palapag na “workers inn” sa Manila bilang pansamantalang living facility lalo na ng mga urban workers na malalayo ang mga residential area sa kanilang areas of assignment.

Ang “Gwapotel: Tulugan sa Bayan,” ay dinisenyo upang makapagbigay ng mas mura, ngunit pansamantalang matulugan at maliguan para sa mga manggagawa na nakatalaga at malalayo ang residential area sa Metro Manila.

Ang pangatlo at pang-apat na palapag ng dormitory-style Gwapotel ay nakalaan para sa mga male customers, habang ang pangalawang palapag ay reserved para sa mga female clients.

Ang unang palapag naman nakareserba bilang off-street vendors’ market na nagbebenta ng mga pagkain at mga pangunahing pangangailangan.

Ang Gwapotel na tinagurian ding “PGMA’s Workers Inn,” ay magbibigay ng sampung oras na serbisyo kabilang ang tubig na panligo at nagkakahalaga lamang ng P25. Ang nasabing inn ay proyekto sa pakikipagtulungan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at ng National Power Corporation (Napocor). (ajph/PIA 12) [top]

  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagalog News: PGMA pinasinayaan ang “workers inn” para sa mga urban workers
»Tagalog News: Pangulong Arroyo inihayag ang Labor Day package
»Tagalog News: Pamahalaan magtatatag ng special economic zones
»Tagalog News: Pamahalaan nakabuo ng 5 milyong trabaho
»Tagalog News: Mga manggagawa, binigyang importansiya ng pamahalaan
»Tagalog News: Kauna-unahang Cotabato City Business month ilulunsad
»Tagalog News: Karapatan ng mga kababaihan tinalakay ni PGMA
»Anti-smuggling body surpasses P250-M mark set in 2006
  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines